Capitulo Cincuenta y tres

59 5 0
                                    


         "Pinuno!" kaagad na sumalubong ang grupo ng mga kalalakihang kasapi ng samahang El Comienzo. Naroon sila ngayon sa lihim nilang kampo na tinatawag nilang Pugad.

       Dahil sa nangyayaring kaguluhan ay nagiging madalas ang kanilang mga pagpupulong.

        "Maayos ba ang inyong kalagayan Pinuno?" nag-aalalang tanong ni Marcelo ng mapansin ang kapaguran sa muka ng  magandang binibini, inaasahan na nila ang pagdating nito ayon sa impormasyong isiniwalat ni Diego noong nakaraang linggo.

       Tumango lamang ito at tipid na ngumiti. Ang ngiti nito ay tila hindi umabot sa kulay abong mata.

      "Ikinalulungkot ko ang nangyari kay Simon." mababa at mahinang sabi nito na ang mata ay nakatuon sa nakayukong si Apolinario. Tumango naman ang huli at binigyan ng matipid ding ngiti ang kanilang pinuno subalit walang galit o anomang pagdaramdam sa kislap ng mata nito.

     Dumaan ang sandaling katahimikan bago muling binasag iyon ng tinig ni Andres.

     "Kahapon lamang ay lumapit sa akin ang grupo nina tatang Ramon, mga kasapi ng Polo, humihingi sila ng tulong o kahit anong maaring isuporta ng aking ama sa kanilang binabalak na rebolusyon. Pang-anim na silang grupong lumapit kay ama."

      "Nakatanggap din ng liham ang aking ama." ani naman ni Jose.

       "Lumalabis na ang mga kastila, ilang mga inosenteng buhay na ang kanipang kinuha at hindi ko hahayaang magpatuloy sila." tiim ang bagang na wika ni Andres at mahigpit ang kapit nito sa pinakamamahal na baril. Makikita ang hindi mapantayang galit sa mata nito. "Alam kung nais ng aking ama na tumulong sa mga Indio subalit hindi sapat ang kanilang armas, kamatayan lamang ang kanilang kahihinatnan."

       Matamang pinagmasdan ni Kallyra ang binata at ang lahat ng mga naroon sa loob ng lihim na silid. Sa kabila ng mga bata pang edad ay hindi iyon nababakas sa kanilang mga muka. Tila ba mabilis na lumilipas ang panahon sa mga ito at wala silang magawa kung hindi ay umakto ng naayon sa panahon.

      Inagaw ang kabataan at kaagad na ipinamulat sa masalimoot na kasalukuyan. Higit pa roon ay pinapasan ng kanilang mga balikat ang pag-asa ng mga mamamayang pilipino na makawala sa mahigpit na kapit ng mga kastila na ngayon ay tila nananakal na.

       "Ito ay aking kasalanan..." ang hindi niya mapigilang sambit at ng magtangkang pahindian iyon ng mga kasama ay umiling siya at nagpatuloy sa pagsasalita. "Nais nilang makaganti sa nangyaring pagsalakay sa Fort Santiago, at hinahanap din nila ang mga prayle. Ako ang nagsimula ng gulong ito kaya't ako rin ang tatapos." matatag niyang deklara.

      "A-anong inyong binabalak pinuno? Binabalak niyo bang sugurin ang kampo ng mga kastila mag-isa?" tila nahulaan ni Jose ang iniisip niya.

     Hindi siya sumagot subalit naintindihan ng mga naroon sa loob ng lihim na silid ang ibig sabihin ng kaniyang pananahimik.

      "Subalit napakarami nila!" ang nabiglang sambit ni Juan. "Alam naming lahat na hindi pangkaraniwan ang iyong lakas at determinasyon subalit hindi sapat iyon upang supilin ang libo-libong mga kastila!"

     "Hindi ko gagawin iyon." makahulugang wika niya. "Aalis na ko, mag-iingat kayong lahat." iyon lamang at lumabas na siya ng silid.

     Maingat na lumabas siya sa Pugad gamit ang kanilang lihim na lagusan, sa gubat ang labas noon. Sinilip muna ni Kallyra ang siwang sa loob ng katawan ng malaking punong kinaroonan at nakiramdam sa paligid.

      Malaki ang puwang sa loob ng puno at ang lupa sa ilalim ay may hukay na siyang nag-uugnay sa kanilang lihim na silid.

     Mabilis na nagpalit ng kasootan si Kallyra at isinuksok sa telang sisidlan ang kaninang suot at itinali iyon sa kaniyang bewang pagkatapos ay itinakip ang mahabang saya.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon