"Ginoo! Ginoong Lucas!" nabasag ng tinig na iyon ang katahimikan ng paligid. Tila nagmamadali at may pagkatakot ang tinig.Kaagad bumangon si Lucas at tinulungan ang kasintahan na umahon din sa pagkakahiga. Naglaglagan ang mga buhanging nakakabit sa kanilang balat, tinulungan niyang pagpagin ang iba pang mga buhanging nakadikit sa braso ng dalaga pagkatapos ay dinampot ang telang nakatabi sa gilid at ibibalot iyon dito. Mabilis niyang hinalikan ang noo ng kasintahan at hinila ang kamay nito pasalubong sa papalapit na matanda.
"Tatang Pitong!" Hingal na hingal ito, sa edad nitong mahigit limampo ay hindi na ito kasing liksi tulad ng dati, maliit itong lalaki at makapal ang maitim nitong buhok, mas maitim din ang balat nito kumpara sa ibang mga indiyo.
Makapal ang labi nito at bilugan ang mga mata, Sa Negros ito lumaki naging matapat na alalay ng kaniyang namayapang lolo Juaqin, isinama ito dito ng kaniyang ama sa Maynila.
"Ginoong Lucas, humayo kayo at umuwi nagkakagulo sa tahanan ng mga Zamora ang Gobernadorcillio hinuhuli ng mga gwardiya sibil! " mabilis at humihingal na sumbong ng matanda. Nanlaki ang kaniyang mata sa narinig.
Hindi na siya muling nagtanong pa, walang pag-aalinlangang tinakbo niya ang daan patungo sa tahanan ng gobernadorcillio, sumusugat sa kaniya ang mga halamang nakaharang sa kaniyang binabagtas na daan subalit hindi niya ito iniinda, marahas ang kabog ng kaniyang dibdib.
Hindi na niya nagawang magpaalam kay Lyra mamaya na lamang siya hihingi ng paumanhin.
Mahigit sampung minuto ang lumipas bago niya narating ang tahanan ng mga Zamora at halos manlaki ang kaniyang ulo sa nasaksihan.
Sa harap ng malaking bahay ay nagkalat ang mga bangkay ng tauhan ng gobernadorcillio, nagkalat din ang dugo sa lupa at may mga tilamsik sa mga halaman at damuhan.
Nakapila at nakatutok ang mga baril ng sa tantiya niya ay dalawang dosenang bilang ng mga gwardiya sibil sa harap ng malaking bahay.
Agad hinanap ng kaniyang mata ang mag-asawa, bumukas ang pintuan ng malaking bahay at doon ay lumabas ang dalawang gwardiya sibil hila-hila si Don Thomas Zamora kasunod ang kaniyang may-bahay na itinutulak-tulak din ng isa pang gwardiya sibil. Nakagapos ang dalawang kamay ng gobernadorcilo sa likod gamit ang matibay na lubid.
Itinulak ng heneral si Don Thomas ng paluhod sa harap ng kaniyang tahanan, narinig niya ang malakas na hagulhol ni Donya Trinidad at ang pagmamakaawa sa Heneral na huwag saktan ang kanyang asawa at paulit-ulit na pakiusap at paliwanag na wala silang kinalaman sa ibinibintang ng mga ito.
Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao at nagtagis ang kaniyang bagang. Kung sino man ang nasa likod ng kaguluhang ito ay hindi niya mapapatawad. Napahakbang siya ng makitang itnutok ng heneral ang baril sa ulo ng nanlalabang gobernadorcillio.
Subalit ang pagnanais niyang makalapit sa mga ito ay naudlot dahil sa mga kamay na pumigil sa kaniyang paghakbang. Marahas niyang nilingon ang nagmamayari ng kamay na iyon.
"Huwag Lucas... " mababa at malamyos ang tinig nito. Tingin niya ay ito ang unang beses na narinig niya ang dalaga na ganito kalumanay magsalita. Nakikiusap din ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa kaniya. Hinigit niya ang kaniyang braso subalit mas humigpit lamang ang hawak nito. "Hindi ka maaaring lumapit Lucas, madadamay ka lamang at wala ka nang magagawa upang tulungan sila." matigas nitong anas.
Hindi niya mapigilan ang payak na tawa. "Sa tingin mo ay hahayaan ko lamang sila na mapahamak Lyra?" ang hindi makapaniwalang tanong niya sa kasintahan. Itinuturing na niyang pangalawang pamilya ang mga Zamora at hindi niya matatanggap na wala siyang gagawin upang matulungan ang mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/152723271-288-k422281.jpg)
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Ficción históricaKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...