Capítulo Uno

559 20 10
                                    

 
           "Let go of me!" singhal niya sa dalawang sundalong mahigpit ang kapit sa dalawa niyang braso. "Where are you taking me!" pilit nilalabanan ang takot, naririnig niya ang mga putok ng baril sa paligid maging ang sigaw ng mga taong nasaktan, hindi niya maintindihan ang nangyayari, hindi niya alam kung nasaan siya, kung nasa Earth ba siya at papaanong nakabalik siya sa Earth.

             Mayroon bang nangyari, nahigop ba siya ng gravitational field ng pinanggaling Galaxy pabalik? But that's impossible they traveled for more than 70 years, hindi siya basta-basta makakabalik!

             "İCállate la boca!" Manahimik ka! asik ng sundalo. "İNo puedes escapar de los rebeldes!" Hindi kayo makakatakas mga rebelde! Anong pinagsasabi ng siraulong ito.

            "I'm not a freaking rebel you jerk!" tinadyakan niya sa tuhod ang isa sa humihila sa kaniya, napaigik ito, marahas siya nitong hinila at halos matanggal ang braso sa balikat niya she groaned in frustration, nilingon niya ang iba pang mga kalalakihan at kababaihang hila-hila ng ibang mga sundalo, mayroong isang nakatakas subalit hindi pa nakakasampung hakbang ay binaril at natumba ang mga ito. "Nooo!!" gulantang na sigaw niya ngunit parang mga bingi ang mga naroon.

            Nagkalat ang dugo sa madamong parang, sandaling nawalan siya ng pandinig, she can only see what is happening around her subalit wala siyang naririnig parang bumagal din ang paggalaw ng mga tao sa paligid, she can see women crying but no sound, nakaluhod at kitang-kita ang di matatawarang pagluluksa sa mga mata ng mga ito.

           Ang iba ay nakikita niyang halos mahiga at maligo sa dugo ng taong nakahiga sa damuhan pilit niyayakap, kita niyang sumisigaw ito, at wala pa rin siyang naririnig. Pakiramdam nya ay para siyang nasa loob ng isang pelikula, they were in a battlefield, and it's looks like sila ang mga talo sa labanang iyon, bakit siya nandito, nasaan siya.

            "Acaba con todos los rebeldes, asegúrate de que ningún solo rebelde escapará!" Ubusin ang mga rebelde walang ititirang buhay sa mga tatakas! parang kulog sa lakas ang tinig ng sa tingin niya ay siyang pinaka-leader ng mga sundalo na siyang nagpabalik ng kaniyang pandinig. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib, kumuyom ang kaniyang kamao.

             She don't care where the hell she is, hindi siya papayag na walang gagawin at panonoorin lang ang mga taong ito na maubos, wala na siyang pakialam kung hindi niya naiintindihan ang mga nangyayari.

           Walang pag-aalinlangang muli niyang tinadyakan ang hita ng sabay ang dalawang sundalong may kapit sa kaniya, walang kahirap-hirap na inagawan niya ng armas ang dalawa at hinampas sa parehong ulo na parehong ikinatumba ng mga ito. Tumalon siya at umigkas ang isang paa at tinamaan sa batok ang isang sundalo na nasa kanilang harapan.

            Hindi siya expert sa ganitong uri ng baril but she still can fire a gun, base sa anyo ng baril, mahaba at may iisang hawakan lamang ito na halos kapantay ng ulo nito, mukhang makalumang klase ng baril ito, although it looks new pero hindi ito tulad ng ginagamit nila sa Earth na advance.

            Both guns are loaded, wala siyang sinayang na sandali at isa-isang pinaputukan ang lahat ng sundalong namataan niya, she run into different direction to avoid the gun shots directed to her she even rolled over the bloody grass field.

            Limitado ang bala ng baril, so she have to make sure she wont missed, kinailangan din niyang mang-agaw ng baril sa iba pang mga sundalo, and with the span of five minutes nakatumba ng lahat ang dalampu't limang sundalo.

             Nanatili siyang nakatayo at humihinga ng malalalim, she threw the bloody gun she was holding away from her matapos ang ilang minutong pagpapakalma niya sa mabilis na tibok ng kanyang puso, maraming tilamsik ng dugo sa kaniyang damit.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon