Hindi natuloy ang balak na paliligo ni Kallyra sa batis dahil hindi sila nagkasundo ni Lucas sa hindi pagsuot ng kaniyang saya sa paliligo. Kaya ang nangyari ay hinintay niya itong punuin ang tapayan ng tubig na inigib nito mula sa batis. Mabilis siyang natapos maligo at ibinalot ang tuwalya sa basang buhok.
Nang makabalik siya sa loob ng kubo ay wala pa doon ang binata at papalubog na din ang araw sa kanluran. Mabilis niyang pinatuyo at sinuklay ang buhok pagkatapos ay nagtungo siya sa kusina at naghanap ng maaaring lutuin doon.Lumapit siya sa sisidlan ng bigas na katabi ng parakang yari sa hinabing dahon ng buli. Mayroon ding malaking tapayan doon na puno ng tubig na ginagamit sa pagluto at paghugas ng pinggan.
May mga nakasalansang tuyong kahoy at bao ng niyog sa ilalim ng tungkong lutuan. Sa gilid naman ay maayos na nakasabit ang mga sandok na mula sa maliit na panalok hanggang sa malaki ang pagkakasalansan. Mayroon ding nakasabit na isang maliit at malaking palayok at kawali na lutuan ng kanin at ulam.
Malapit sa bintana ay may mga nakasabit na pinatuyong dahon ng gabi at mga pinatuyong isda. Sa lamesa ay nakapatong ang dalawang maliit na bilao na may lamang mga pang-samya katulad ng bawang, sibuyas, luya at iba pa.
Napangiti si Kallyra, sa dami ng pagkain sa paligid ay siguradong hindi siya magugutom. She could stay in this house forever. Naupo siya sa silyang naroon at nangalumbaba, iniisip kong anong masarap na lutuin. Kung sana lang ay nakapagdala siya ng pagkain kanina bago siya lumayas ng handaan. Uso naman ang ganoon sa panahong ito ayon sa napansin niya.
Kumalam ang sikmura niya ng maalala ang masasarap na pagkain kanina subalit sumimangot siya ng maalala din ang dalagang anak ng kabesa.
Napaupo siya ng tuwid ng may marinig na kahol ng aso sa labas ng bahay. Tumayo siya at sumilip sa bintanang naroon at nadungawan niya si Lucas na basa ang buhok at walang suot na pang-itaas na damit at may dalang dalawang piling ng hinog na saging saba.
Nagmamadaling lumabas siya ng kusina at sinalubong ito sa pintuan.
"Naligo ka sa batis?" tanong niyang nakasimangot pa din. Nahinto ito sa pintuan at matamang nakatitig lamang sa kaniya at bahagyang nakaawang ang mapulang labi. Nakaramdam siya ng pagkailang at mabilis na pinasadahan ng tingin ang suot niyang baro at saya. Wala namang kakaiba sa suot niya at pangkaraniwan lang iyon, maayos na nakalugay ang kulot niyang buhok na sinuklay niya ng isang- daang beses kanina.
"Saan mo nakuha yang saging?" tanong ulit niya subalit nanatili itong tahimik at nakatitig lang sa kaniya. Dumaan ang sandali at ganoon pa din ito kung hindi pa muling kumahol ang aso sa bakuran nila ay hindi ito kukurap.
Yumuko ito at umubo. "T-tayo na sa loob." anito.
Tumango siya at binigyan ito ng espasyo upang makadaan at tumuloy ito sa kusina.
Nanatili siya sa pintuan at tinawag ang asong patuloy pa din sa pagkahol. Umungot-ungot ito at kumakawag-kawag ang buntot na lumapit sa kaniya.
"Good girl." nakangiting hinaplos niya ang makinis na ulo at kinamot ang tenga hanggang sa tiyan nito. "Your pregnant?" bulalas niya sa natuklasan at mabilis na luminga-linga sa paligid ng bakuran. "Bastard." inis na bulong niya ng hindi makita ang hinahanap.
"Sinong kausap mo?" tanong ni Lucas na kalalabas lang ng kusina.
"No one." aniya at patuloy na nilalaro ang asong buntis. "Did you noticed that she is pregnant?" nakangiting nilingon niya ang lalaking kausap. "But the bastard father is nowhere in sight, sigurado akong tinatakbuhan niya ang responsibilidad para sa mga tuta. If it was my Lucas I'm sure he would take care of his puppies."
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Historical FictionKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...