Pinunasan ni Kallyra ang pawis na tumutulo sa gilid ng kaniyang pisngi at inunat ang nangangalay na likod. Katatapos niya lang isalansan ang mga kahoy na kaniyang sinibak sa lalagyan nito, sa tingin niya ay sapat na iyon sa loob ng isang linggo."Gusto mo bang maligo sa batis?" napalingon siya sa papadating na si Lucas.
"Umalis na si binibining Luisa?" balik tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito.
"Kanina pa, bago ako kumain." sagot nito, nakapamulsa na naman ito na palagi nitong ginagawa.
Umingos siya at hindi na ito pinansin, nagpatuloy siya sa pag-bend ng bewang upang mabawasan ang ngalay noon. Napapansin niya ang pagiging dayhatin at bugnutin niya lately. Mabilis siyang mapagod at palaging gutom.
"Maligo tayo sa batis." narinig niyang muling anyaya ng binata, subalit nagpatay malisya lamang siya at nagkunwaring hindi ito naririnig. "Galit ka ba?" tila hindi nakatiis na tanong nito.
"Bakit naman ako magagalit?" nakaingos na tanong niya na sandali itong hinarap bago pinagpatuloy sa ginagawang pag-uunat.
"Nagseselos ka kay Luisa."
Mabilis siyang humarap dito at pinagsalikop ang dalawang braso. "What? why would I be jealous? mas maganda at mas matalino ako sa kaniya, bukod pa sa mas marami akong talent... well uh.. maliban na lang sa pagluluto but I'm almost perfect. Kahit sinong lalaki ay gugustuhing pakasalan ako." nakataas ang kilay na singhal niya. Natawa ang kausap na lalong ikinainis niya. "Hindi ka naniniwala?" she snarled.
"Withdraw your fangs sweetheart, naniniwala ako sayo." ang sabi nitong pinigil ang pagngiti. "So you're not mad at me?"
"No." labas sa ilong na tanggi niya. "Dinala na ba niya yung tuta?" nakasimangot na tanong niya. Tumango ito. "Yung itim? kumpirma niya.
"Hindi... alam kung sasama ang loob mo kapag hinayaan kung iyon ang kunin niya." nakangiting sabi nito.
Napatitig siya dito. "Kahit alam mong malulungkot si binibining Luisa?" nagdududang tanong niya.
"Oo naman." mabilis na sagot nito kaya napangiti na siya. "Takot ko na lang sayo di ba?" dugtong pa nito.
Inirapan niya ito. "Sige, sasama na ko sa batis."
Lumawak ang ngiti ni Lucas. "Inihanda ko na ang damit natin, kukunin ko lang." tumalikod na ito bago pa man siya magbago ng isip.
Masukal ang gubat na kanilang dinaanan subalit dahil madalas daanan itong mga mamamayan sa nayon ay nagkaroon na ng makipot na daan para sa dalawang tao na likha ng apak ng mga paang pabalik-balik doon.
Si Lucas ang maybitbit ng kanilang mga pamalit na damit na nakalagay sa basket na yari sa buling hinabi. Ang kabilang kamay naman nito ay mahigpit na nakakapit sa isang kamay niya.
Nagmamasid si Kallyra sa kanilang dinaraanan ng may malawak na ngiti sa labi. Lalo na kapag nakikita niya sa gilid ng kaniyang mata ang paminsan-minsang sulyap ni Lucas sa kaniya.
Hindi sila nag-uusap ngunit hindi nakakabagot ang bawat sandali. Kung pwede lang na maglakad na lamang sila ng ganito, magkahawak ang kamay hanggang sa pagtanda nila.
Natigilan si Kallyra at nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Isang masakit na katotohanan ang ngayon lamang pumasok sa isip niya. What would happen 30 years from now? Si Lucas lang ang tatanda at siya naman ay mananatiling ganito ang hitsura. Kakailanganin niyang itago dito ang katotohanang hindi siya tumatanda, and because of that she would have to break her promise. Hindi niya gugustuhing panoorin itong tumanda at mamatay.
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Historical FictionKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...