"Binibining Kallyra." malapad ang ngiting bati sa kaniya ni Luisa ng tuluyan na siyang makalapit. "Narito ka pala.""Maligayang kaarawan binibining Luisa. Napakaganda mo ngayon." labas sa ilong na bati niya.
Nahihiya itong ngumiti. "Mas maganda ka binibining Kallyra. Ah... pasensiya na hindi ko magawang makipagkwentuhan ng matagal sa iyo ngayon. Magsasayaw kami ni ginoong Lucas para sa una kong sayaw ngayong gabi." namumula ang pisnging wika nito.
"Talaga?" pinaling niya kay Lucas ang tingin. "Pumayag siya?" ang tanong na iyon ay para pa rin sa dalaga subalit hindi niya inalis ang tingin sa binata.
Lucas opened his mouth to speak subalit naunahan ito ng tagapagsimuno ng kasiyagan.
"Isang napakakisig at napakagwapong binata ang napili ni binibining Luisa! ano ang masasabi niyo mga kaibigan, hindi ba ay mahusay niyang pumili. Aha! siya ang nag-iisang anak ng Alkalde Mayor ng Maynila at nag-iisang apo ng dating Gobernador Heneral Carlos De la Torre! si Ginoong Lucas De la Torre."
Umingay ang paligid sa lakas ng mga bulungan. Ang iba ay hindi makapaniwala na naroon ang nag-iisang apo ng dating Gobernador Heneral. Ang mga naroong mga ginang na nagaakalang asawa si Kallyra ni Lucas ay labis ang panghihinayang at matalim ang ibinibigay na tingin sa kaniya.
Subalit wala roon ang kaniyang pansin. Nanatili ang malamig na titig niya kay Lucas. Her eyes was daring him to dance with Luisa.
Lalong umingay ang paligid ng hindi pa rin kumikilos ang binata upang kunin ang kamay ng dalagang maykaarawaan at dalhin sa gitna ng bulwagan upang tupdin ang unang sayaw.
Nakayuko ang tila maiiyak na dalaga at nilalaro ang mga daliri sa kamay. Mga naaawang tingin ang ipinupukol ng mga naroon sa dalagang maykaarawan at ang iba naman ay nagbubunyi lalo na ang ilang mga kadalagahang humahanga sa makisig at gwapong binata.
Pumapasok at lumalabas lamang sa tenga ni Kallyra ang mga bulungan at mahihinang tawanan. Nakakaramdam siya ng galit para sa babaeng nasa kaniyang tabi.
She should be the one in her place. Siya dapat ang kinukutya ng mga naroon na hindi nababagay kay Lucas. She would feel happy even if they fling shits on her face because they can't accept the fact that she was with the most handsome man in the crowd. Dahil mas matatanggap niyang siya ang kinaiinisan at kinaiingitan ng lahat.
Hindi kagaya ngayon, nobody noticed her, nobody cared about her, nobody even want to acknowledge the fact that the reason why Lucas don't pay attention to Luisa is because she was there, he was staring at her. It should be her that they supposed to associate with Lucas and not Luisa.
Pumatak na ang luha ni Luisa at tanging sila lamang ni Lucas ang nakakarinig ng mahina nitong hikbi. Tumiim ang bagang ni Lucas at dumilim ang maitim na mata.
Parang malakas na dagok kay Kallyra ang ekspresyong iyon ng binata. Isa lamang ang ibig sabihin noon. Kaya hindi na siya umasa pa.
Iniwas niya ang mata at tinalikuran na ito. She heard the loud cheers of the crowd and the surprised gasped of the birthday celebrant. Pero hindi na niya pinansin ang mga ito.
Mariin niyang ikinuyom ang kamao at tuwid ang likod na naglakad patungo sa lamesang kinaupuan kanina. Her face is perfectly calm and her eyes were devoid of emotion.
Muli niyang narinig ang mga kwentuhan sa kanyang likuran.
"Me sentí aliviado, es bueno que ella no fuera realmente su esposa." 'Nakahinga ako ng maluwag, mabuti na lang at hindi pala siya ang asawa.'
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Narrativa StoricaKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...