Pagbaba niya ng kalesa ay siya ring pagbaba ng dalagang bisita ng pamilya kaninang umaga sa kasunod niyang kalesa. Mayroon itong mapanuyang ngiti sa mga labi at nasusuyang kislap ng mata ng lumapit sa kaniya."Tila yata'y ikaw ang malas sa buhay nina Ginoong Lucas binibining pranses." Nagpapaypay ito ng abanikong dala rin nito kaninang umaga. "Dahil ang negosyo nila ay humaharap ngayon sa mabigat na suliranin. Nag-aalala akong baka mapalayas ka, ĺes mejor si te mudas!" kaya ang mabuti pa ay ikaw na lang ang kusang umalis! gustong kalikutin ni Kallyra ang kaniyang tenga, napakatinis talaga ng boses nito.
"Salamat sa pag-aalala, mauna na kong pumasok sa loob" nagugutom na siya at hindi pa siya nananghalian, ano kaya ang niluto ni nanang Pasing, lalong kumalam ang sikmura niya.
Hahakbang na sana siya ng maramdaman ang mahigpit na hawak sa kaniyang braso. Napaigik siya ng maramdaman ang pagbaon ng kuko ng babae.
"ĺNo hemos terminado de hablar!" Hindi pa tayo tapos magusap! binitiwan siya nito at tinaasan siya ng kilay. "Lumayas ka sa buhay ni Ginoong Lucas, ginugulo mo ang kanilang pamilya!" napakamot siya ng noo sa inis, wala siyang panahon sa pagtatantrum ng babae, pero humahapdi ang sugat sa braso niya dahil sa matutulis nitong kuko, napatim-bagang siya.
"You are barking at the wrong tree princess, hindi ko ginugulo ang pamilya nila, the truth is, kilala ko kung sino ang nagnanakaw at nagsusunog ng kanilang mga kalakal, kilala mo ba si Don Thomas Zamora." Inilapit niya ang mukha dito at bumulong. "Siya ang utak ng lahat ng yun."
Ngumiti siya na animo'y nagbahagi ng isang lihim sa matalik na kabigan subalit agad ding nawala ang ngiti at napalitan ng malamig na tingin.
Nawalan ng kulay ang mukha nito at nanlaki ang mga mata. Tumaas muli ang sulok ng kaniyang labi sa nakitang reaksyon nito. Looks like the princess knows her parents dark secret too.
Ayon kay Donya Juliana ay matalik na magkaibigan si Don Serio De la Torre at si Don Thomas Zamora mula pa noong mga bata, para ng magkapatid ang turingan ng dalawa, at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin ang dalawang pamilya.
Ang sabi pa nito ay matalino ang ama ni Mariya samantalang masipag at masikap naman si Don Serio, sa dalawa mas mataas ang katungkulan ng huli sa Gobyerno sapagkat ito ay Alkalde Mayor samantalang Gobernadorcillo naman ang ama ni Mariya.
Ang napangasawa naman ng ama ni Mariya ay isa ring negosyante katulad ni Donya Juliana na si Donya Trinidad, subalit wala daw itong suwerte dahil hindi kumikita ang mga negosyo at nanatiling maliit lamang, mayroon daw itong pagawaan ng polyeto at bibliya, mayroon ding gawaan ng armas at mga pasabog tulad ng kay Ginang Juliana.
Nagulat siya ng bigla na lamang itong tumumba at animo'y nahihirapang huminga, nanlaki ang kaniyang mata.
"Mariya!" nilamon ng malakas at malagong na tinig ng lalaki ang kaniyang pagsambit din sa pangalan ng dalaga, napalingon siya kay Lucas na patakbong lumapit sa kanila na kabababa lang ng kalesa. Napaluhod ito sa babae at hindi mapakali kung anong gagawin. "Anong nangyari?"
"L-lucas hindi-hindi ko alam kung bakt bigla na lamang akong tinulak ng binibini!" sa pagitan ng paghinga ay nagawa nitong sabihin, naglaho ang pag-aalala sa mukha ni Kallyra at napalitan ng sarkastikong tawa, masama ang ipinukol na tingin sa kanya ni Lucas at nagmamadaling binuhat ang dalaga sa karwaheng sinakyan nito.
Naiwan siyang nakatayo roon at tinanaw ang papalayong kalesa. Binalewala ang inis na nararamdaman.
Pumasok na siya sa loob ng malaking bahay, agad naman siyang binati ng mga tagasilbi. Naroon ang ginang sa may mesita sa kumedor at nagbabasa ng bibiliya sa tabi nito ay may umuusok na kape.
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Tiểu thuyết Lịch sửKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...