Capítulo Quince

235 14 3
                                    

       Natigilan si Kallyra sa narinig. She felt her heart beat faster and her hands turned cold. She suddenly felt afraid to look at him and decided to continue staring at the roads and pretend she did not hear him.

       Muntik na siyang mapaiktad ng maramdaman ang pagdampi ng magaspang na palad ni Lucas sa kaniyang braso. "Pakiusap, tumingin ka sakin Lyra." She heard the slight tremble in his voice.

        She closed her fist and look at him angrily. "Hindi mo alam ang sinasabi mo Lucas."

       "Hindi. Lampa lang ako pero hindi ako tanga Lyra. Pakiusap, bigyan mo ako ng pagkakataong patunayan sa iyo ang nararamdaman ko. Magagawa kong paibigin ka Lyra kung maniniwala ka lang sakin."

        "God, you sounds like the man in those old sappy movies." Hindi niya mapigilang bulalas. Sa kabila ng kaseryosohan ng pag-uusap ay nagagawa pa din niyang makahanap ng humor sa sitwasyon. Kung hindi siya ang nandito at isa lamang spectator ay siguradong tataas ang mga balihibo niya sa katawan dahil sa kakornihan ng mga pinagsasabi nila.

        Napailing siya sa sarili. She really can't be too serious or stay angry for long time. Kung narito ang kaniyang pinsang si Carlotta ay pumapalakpak na ito sa tuwa sa sitwasyon niya ngayon.

         Napabuntong hininga siya. "Naniniwala na ako Lucas pero tulad ng sinabi ko, hindi ko masusuklian ang narardaman mo. Kaya mas mabuting ibaling mo na lang sa iba."

        "Huwag mo nang subukang ibahin ang isip ko. Nakapagdesisyon na kong suyuin ka sapagkat hindi ko naman mapipigilan ang nararamdaman ko. I will make you fall in love with me, querida." Determinadong pahayag nito.

        Matalim niya itong tiningnan. "Well good luck to that." Sikmat niya.
Biglang umaliwalas ang kanina'y madilim nitong muka. Pakiramdam niya ay kaya siyang bulagin ng malaki nitong ngiti. Inirapan niya ito at muling ibinalik ang tingin sa kalsada.

         "Lyra." Hindi niya ito nilingon. "Lyra." Inis na humarap ulit siya dito. Mayroon itong maliit na ngiti sa labi at nagkakamot na naman ng batok. Napansin niyang palaging ganoon ang kinikilos nito sa tuwing kinakabahan ito at nahihiya. "May nais akong itanong." Anito ng hindi makatingin sa kaniya.

         Hindi siya umimik tanda at hinayaan itong magpatuloy.

         Tila humugot pa muna ito ng lakas ng loob bago tumitig sa kaniyang mata at nagtanong. He looks so handsome and its blinding sa kabila ng mapusyaw na liwanag sa paligid. She have met lots of beautiful men but never this breathtaking. Kahit na siya na tinaguriang ice queen ay matutunaw sa mga titig ng maitim nitong mga mata. It was like a blackhole that pulling her to nowhere and its making her feel lost.

          "Have you ever loved someone before?" She rarely heard him speak english, she could't help but think it was his native language. Marahil ay nang manirahan ito sa Espanya ng pansamantala at dahil na din sa uri ng kanilang hanapbuhay, maging sa estado ng kanilang buhay ay hindi maiiwasang matuto sila ng iba't-ibang wika.

       "Lyra." A faint of worriness and impatience can be heard in his voice.

         "Hindi ko alam." Tipod niyang sagot. Hindi niya nga alam kung ano ba ang pakiramdam noon. She had boyfriends before but she don't even remember their names, and even how they started and why they broke up. She never felt those feelings they called love to those men.

        He nods his head and licks his lower lip again. Another habit of him she noticed. "Nagkaroon ka na ba ng k-kasintahan?"

       "Madami." Tipid ulit niyang sagot na ikinalaki ng mata ng kausap.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon