Tahimik na nakamasid lamang si ginoong Fausto sa binatang nakaupo sa mahabang silya sa labas ng tahanang kaniyang tinutuluyan. Ilang araw ng narito si Ginoong Lucas at ilang araw na din itong tahimik at hindi makausap.Bumuntong hininga si Fausto. Naawa siya sa binata at alam niyang nalulungkot ito sapagkat hanggang ngayon ay galit pa din dito si binibining Kallyra.
Naalala niya ang usapan nila ng dalaga noong tumatakas sila sa tahanan ni kabesang Manuel.
"Dadalhin ba natin si ginoong Lucas sa pagamutan?" tanong niya sa tahimik na dalaga.
"Ikaw ang bahala." tipid nitong sagot.
"Malayo ang pagamutan. Ihahatid ko na lamang si ginoong Lucas sa inyong kubo at tatawag na lamang ako ng manggagamot."
"Huwag niyo siyang dalhin sa kubo kung ayaw niyong putulin ko ang lawit niya sa baba." malamig na turan nito.
Natahimik siya at napangiwi. "K-kung ganoon ay saan ko dadalhin si ginoong Lucas?"
"Ikaw ang bahala."
Muntik ng matalisod sa batong naapakan si Fausto ng marinig ang walang kwentang sagot ng dalaga.
"Sabihin mong maglalayas ako kapag bumalik siya sa kubo. Sabihin mo yun sa kaniya pag nagising na siya. Ayaw ko siyang makita."
Muling humugot ng malalim na buntong-hininga si ginoong Fausto. Sa loob ng mga nakalipas na araw ay hindi pumapalya sa pagluluto si ginoong Lucas ng pagkaing pang- umagahan, tanghalian at hapunan para kay binibining Kallyra at siya naman ang tagapaghatid noon sa kubong tinutulayan ng dalaga.
Nakikita niyang labis ang pagmamahal ni ginoong Lucas kay binibining Kallyra subalit alam niyang ang nangyari sa pagitan ng ginoo at ni binibining Luisa ay lumikha ng lamat sa kanilang pagmamahalan. Panahon lamang ang makapagsasabi kung kailan iyon maghihilom.
Umalis na siya sa dinudungawang bintana at lumakad palabas ng kaniyang munting tahanan at lumapit sa nanlulumong binata. Hindi siya pinansin nito at nanatiling nasa malayo ang tingin. Nakatiim ang mga labi at madilim ang blangkong mata.
Matagal na siyang naninilbihan sa makapangyarihang pamilya De la Torre at bawat isa sa kanilang pamilya ay may mabubuting puso. Namumukod tangi sa lahat ng mga dayuhang kastilang mananakop. Kaya naman ay tagos sa kaniyang puso ang kaniyang katapatan sa mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/152723271-288-k422281.jpg)
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Historical FictionKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...