Capitulo Cincuenta y seis

58 4 0
                                    


      Tanghali na ng magising si Kallyra subalit tinatamad pa rin siyang bumangon. Wala naman siyang gagawin ngayong araw maliban sa pagpapadala ng telegrama sa Espanya.

        Dalawang araw na ang nakalipas mula ng makita at makausap niya si Lucas. Ang sabi niya ay pag-iisipan niya ang pagtira sa nabili nitong bahay na ayon dito ay dating tirahan ng kamag-anak nilang Doktor ng Pilosopiya na ngayon ay naninirahan na sa Madrid kasama ng mestisang napangasawa.

      Napabalikwas siya ng bangon ng may maalala. Nagmamadaling nagbalot na siya ng mga dadalhing gamit at patakbong nagtungo sa paliguan sa labas ng inuupahang bahay. Malapit iyon sa balon at kailangan pa niyang umigib.

     Mataas na ang sikat ng araw kaya wala ng nag-iigib. Ang mga tao sa panahong ito ay mas maaga pang nagigising bago tumilaok ang manok sa madaling-araw, buhay na ang paligid at  gumagawa na ng mga gawaing bahay katulad ng pag-iigib.

       Paulit-ulit niyang minumura ang sarili sa isip. Paano na lang kung iniwan na siya ni Lucas at naisipan nitong huwag na lang siyang isama dahil napaka-unprofessional niya.

    Nang matapos  maligo ay hindi na niya pinag-isipan ang isusuot sapagkat pare-pareho lang namang baduy iyon sa kaniyang paningin.

    Kaagad siyang umupa ng kalesang maghahatid sa tahanan ng mga De la Torre at matapos magbayad ay tumalon na siya pababa ng kalesa at patakbong tumawid sa malawak na kalsada patungo sa bakuran ng malaking bahay ng mga De la Torre.

      Nakasalubong niya si Tatang Pitong na nanggaling sa hardin sa kaliwang bahagi ng malaking bahay. Katulad pa din ng dati ang matanda, maitim ang balat kumpara sa karaniwang kayumangging kulay ng mga pilipino at kulot ang manipis na buhok. Malaki ang bilugang mata at pango ang ilong, makapal ang labi at hindi rin ito katangkaran.

      "Binibining Kallyra, ako sana'y magtutungo sa labas at ang balak ko'y hanapin ang iyong tirahan, kanina pa naghihintay ang ginoo sa iyong pagdating, mabuti at narito ka na, hala at magtungo ka sa hardin naroon si Ginoong Lucas at naghihintay." tuwang wika nito ng makalapit siya.

       Nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Mabuti na lang at hindi pa umaalis si Lucas. "Salamat po Tatang Pitong, mauna na ko." paalam niya at kaagad nagtungo sa tinuro nitong direksyon.

    Napahinto siya sa paglakad ng marating ang hardin. Naroon si Lucas at naglalakad ng pabalik-balik at tila hindi mapakali. Nakapamewang, galit at kabado ang hiwas ng muka.

     Nagkunwari siyang umubo upang kunin ang atensyon nito. Marahas na pumaling ang ulo nito paharap sa direksyon niya. Halos magdikit ang makakapal at itim nitong kilay at matalim ang matang itinuon sa kaniya.

      "Pasensiya na, ahm.. ano tinanghali ako ng gising." alangang paliwanag niya. She felt akward ng hindi ito nagsalita at nanatili ang matiim na titig sa kaniya. Ibinulsa nito ang dalawang kamay, wala na ang galit subalit madilim pa din ang muka.

    "Tayo na." malamig nitong sabi at naglakad palabas ng hardin. Sumunod siya ng makalampas na ito sa kaniya. "Ang kalesa, Tatang?" sa parehong tinig ay tanong nito sa matanda.

     "Nakahanda na Ginoo." mabilis naman na sagot nito, kabado ito at halatang hindi sanay na makitang ganoon ang binatang amo. Binigyan siya ng sulyap ng matanda na parang naninisi.

      She bit her lower lip and pretend she did not notice it. Hindi na niya hinintay na utusan siya at kaagad na sumakay sa naghihintay na kalesa. Hanggang sa makalabas na sila ng Intamuros ay hindi pa din siya kinakausap o pinapansin man lang ng katabi at malapit ng mapanis ang laway niya. Pumikit na lang siya at isinandal ang ulo sa upuan at sinubukang umidlip. Lumipas ang ilang oras ay nanatili pa rin siyang gising dahil napahaba ang kaniyang tulog kagabi.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon