Capítulo Ocho

220 11 0
                                    

 
   
           Kallyra was just there sitting, pinanonood ang pagkukulitan ng dalawa para siyang nanonood ng oa na palabas sa TV na paboritong panoorin ng pinsan niyang si Carlotta, she suddenly felt out of place, parang pumasok sa sarili nilang mundo ang dalawa at nakalimutang naroon pa siya, hindi niya alam kung bakit parang nakakaramdam siya ng inggit.

         She suddenly felt like she also wants that kind of closeness with him, hindi niya alam kung saan nanggaling ang inis sa kaibigan ni Lucas. And she suddenly wants his full attention, like what the hell?

            Hindi niya napigilan ang pagbukas ng kaniyang bibig at paglabas ng mga salitang hindi niya napag-isipan. "Gusto ko ring maghandog ng awitin para sa kaarawan ng Gobernador Heneral." Gulat na tiningnan siya ng dalawa, hindi niya alam kung iyon ay dahil sa sinabi niya, o dahil sa nandoon pa siya.

          Pero solo la persona elegida puede realizar la señorita Kallyra. Solo aquellas personas que fueron invitas por Governador General." Subalit pili lamang ang maaaring dumalo roon binibining Kallyra, tanging ang mga inimbitahan lamang ng Gobernador Heneral. Ang biglang sambit ni Mariya, may inis na mababasa sa mga mata nito.

            Kung ganoon ay kakausapin niya si Ginang Juliana na siya na lang ang kakausap sa Gobernador Heneral, alam niyang imbitado ang Ginang, napag-usapan nila ang planong pagkausap sa huli ukol sa business proposal niyang bagong kasootan ng mga gwardiya sibil, sa halip na ang Ginang ang kumausap sa Gobernador Heneral ay siya ang kakausap.

            "Hindi makakadalo si Donya Juliana at napag-usapan na namin ang tungkol dito, marami siyang kailangang kausapin ukol sa kaniyang negosyo at hindi maaring ipagpaliban, ako ang ipapadala niyang representante." Pagsisinungaling niya. Matalim lamang na tingin ang ibinigay sa kaniya ng dalagang kaibigan ni Lucas.

             "Marunong ka pa lang umawit." Si Lucas, mayroong maliit na ngiti sa labi. Natahimik siya, for the first time in her life ngayon lamang siya nagbitaw ng salita ng hindi pinag-isipang mabuti.

        Isa sa mga weakness niya ay ang pagkanta, bukod sa wala sa tono ay wala siyang alam na awitin, chorus lang ang mga alam niya.

          But she will not dare to take it back, paninindigan niya ang kaniyang sinabi, she is a woman of her words. "Hindi ako magaling pero marunong ako. Kailangan ko lang mag-ensayo."

           "¿Toca usted algún instrumento musical?" marunong ka bang magpatugtug ng instrumentong pang musika?. Tanong pa nito.

           "Toco el piano." I play piano. Matipid niyang sagot. "How about you?" she felt a little happy that he was now paying attention. Stupid but she just couldn't help it, nararamdaman niyang may nag-iiba sa kaniya habang tumtagal siya sa lugar na ito.

              "She is Kallyra Romanov, genius with 200 IQ, the ice queen, arrogant, heartless and selfish bitch, but now parang hindi na lamang sarili ang iniisip niya, she was now starting to care, she suddenly craved for affection, she started to feel emotions she never known before!

            Parang naririnig niya ang mga warning bells sa isip niya at malaking signboard sa utak. 'WARNING, this man is dangerous, he will turn you into a soft freaking maggot!' nagtindigan ang mga balahibo niya sa batok. Nagiging oa na rin siya. No sh*t! That's just so terrifying.

           "Sí... toco la guitarra." Oo, marunong akong tumugtog ng gitara. "Maari kitang tulungan, pumunta tayo mamaya sa may burol at tutulungan kitang mag-ensayo ng iyong aawitin." Nakangiting wika ni Lucas.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon