Capitulo Cuarenta y ocho

69 5 0
                                    


       "Narito na ho tayo Ginoo." Pinagpag ni Kallyra ang damo na dumikit sa kaniyang  braso at likuran sanhi nang pagsandal niya sa dayami. Tumalon siya pababa ng paragos na sinakyan. Hila-hila ito ng kalabaw na pinapatakbo ng matandang indio.

      Binaba nang matanda ang salakot nitong buli, paraan nito nang pamamaalam. Nagpasalamat siya matapos mag-abot ng upa. Umiwas siya sa maputik na daan at tumigil sa gilid ng malubak na kalsada.

      Nakangiting pinagmasdan ni Kallyra ang malawak na bukirin, sumasayaw sa simoy ng mahalimuyak na hangin ang mga berdeng uhay ng mga hilaw pang palay. Katatapos lamang ng ulan at nag-iwan iyon ng hamog sa talulot ng mga dahon.

     Buwan na ng Agusto at panahon na  ng tag-ulan sa tropikal na bansang Pilipinas. Inayos niya ang pagkakasukbit ng telang supot sa kaniyang balikat.

      Malapit na siya sa Intramuros at ilang oras na lakarin mula sa kaniyang kinatatayuan. Kakaunti lamang ang perang kaniyang dala na nanggaling pa kay Ginoong Alejandro subalit hindi niya gustong maglakad.

      Naglakad-lakad siya habang naghihintay ng daraang kalesa. Paminsan-minsan ay umiiwas sa mga lubak na may nakaimbak na tubig.

       Lumipas na ang tatlumpong minuto at nakakaramdam na siya ng pagod at uhaw bago may matanaw na papalapit na kalesa. Huminto siya at inabangan ang paglapit nito.

     "Hinto! Manong huminto ka saglit!" ikinaway niya ang kamay upang mapansin ng nakasumbrerong kutsero.

     "Hiyaahh!" hinila nito ang renda ng kulay kayumangging kabayo. Humalinghing ito kasabay ng pagtaas ng dalawang paa sa harapan. Napangiwi siya ng matilamsikan ng putik ang kulay abong damit ng sumadsad ang mataas na gulong ng kalesa sa maputik na kalsada. Nagmamadaling pinagpag niya ang nadumihang gamit at nailing ng bahagya ng bumakat  doon ang marungis na putik.

       "Bakit ka huminto?" ang narinig niyang tanong ng sakay nito sa loob. Hindi niya ito makita dahil sa basang telang humaharang dito. Subalit sa tinig nito ay halatang galing iyon sa isang binatilyo na nasa pagitan ng labing-anim at labing-siyam ang edad.

      "Nais kong makisabay, magtutungo kayo sa Intramuros, hindi ba? Magbibigay ako ng upa." inunahan niyang sumagot ang kutserong nanatiling nakaupo sa unahang bahagi ng kalesa. Nakasuot ito ng lumang baro na may iilang butas sa bandang leeg at laylayan at halatang nabasa din ng ulan. Nakatupi ng hanggang siko ang mahabang manggas. Ang pang-ibaba naman nito ay kulay lupa na may mga tilamsik ng putik.

     Sumilip ang sakay niyon at nabasa niya ang pagkabigla sa muka nito na marahil ay katulad ng sa kaniya. Kapareho ng mamang kutsero ang kasootan nito subalit maputi ang baro at halatang malinis. Bakas sa mukha ang kabataan, maayos ang pagkakasuklay ng buhok at tila kumikintab iyon sa tuwing matatamaan ng sikat ng araw.

      "Pinuno!" gulat nitong sambit. Walang pagdadalawang-isip na tumalon ito pababa ng kalesa. "Kailan pa kayo dumating?" masigla nitong tanong.

      "Kadarating ko lamang noong nakaraang Linggo. Kamusta?" magiliw niyang tanong dito.

    "Maayos ang aking kalagayan Pinuno---"

      "Tawagin mo akong Kallyra, Ginoong Jose." putol niya dito na nanatiling may ngiti sa labi.

     "Siyangapala!" nanlaki ang mga mata nito at mabilis na luminga-linga sa paligid upang alamin kung mayroong nakarinig. Nakahinga ito ng maluwag ng walang matanaw. "Tamang-tama ang iyong pagdating pinu-- binibining Kallyra. Mayroon akong nais ihingi ng tulong mula sa inyo."

      Napansin niya ang biglang pagkabalisa ng kausap. Kumunot ang kaniyang noo sa nakikitang pag-aalala sa mukha nang batang kasapi ng samahang kaniyang binuo.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon