Samantala ay nakalayo na sa lugar na iyon si Kallyra. She initiate the first move at ngayon ay hihintayin na lamang niyang kumilos ang Gobernadorcillo upang mahulog ito sa kanyang bitag sa tulong ng kaniyang mga tauhan, ang problema sa mga kalakal naman ang kaniyang aayusin.
Sakay ng kalesa ay nagtungo siya sa lugar ng kalakalan sa Laguna. Agad siyang sinalubong ni Ginoong Fausto ang tinalagang lider ni Ginang Juliana sa kalakalan ng papel dito sa Laguna.
"Hindi namin malaman kung sino at anong mga kalakal ang uunahin namin binibining Kallyra, bukas na ang nakatakdang araw ng pagdadala ng kalakal sa pagawaan ni Donya Zamora. Nakapagpadala na kami ng liham sa kaniya na hindi natin maipapadala ang lahat ng mga kinakailangan nilang papel sa nakatakdang araw, naipadala na rin namin ang liham sa kanila ni Ginoong Lucas na ang mga inangkat sa ibang bansa na lamang ang bilhin sapagkat nasunog ang mga gawang lokal na papel subalit ayaw nilang pumayag sapagkat naiipit din sila sa sitwasyon, kailangan na ng mga bagong kopya ng bibliya sa mga kapilya ng Masbate at Romblon."
"Ipadala mo ang lahat ng papel na inangkat natin sa Europa at ibenta mo sa halagang dalawang piso ang bawat rolyo ng papel." Aniya sa natatarantang matanda.
"Hindi sila papayag sa halagang iyon binibining Kallyra kahit pa nga ba piso natin binili sa Europa ang bawat rolyo. Ang inaasahan nila ay dies lamang ang bentahan, subalit naubos na ang mga lokal na papel na tig-dies sa sunog." Ang nanlulumong dagdag pa nito.
"Gawin mo ang inutos ko Ginoong Fausto, wala silang magagagawa kung hindi ang bilihin ang mga papel at kung hindi sila pumayag sa halaga ay patungan mo ng isa pang piso ang presyo, sa bawat pagtanggi nila ay patungan mo ng patungan ng piso, sinasabi ko sa inyo Ginoong Fausto mabibili ng dalawang piso ang mga papel bawat rolyo."
"Naguguluhan ako Binibining Kallyra, mapipilitan silang mag-angkat sa iba kung ganoon, ang mabuti ay humingi na lamang tayo ng palugit ng isa pang linggo upang makagawa ng papel."
"Nakakalimutan mong si Ginang Juliana ang may hawak ng lahat ng kalakalan ng papel sa Laguna, wala silang mapagkukunang iba dahil sa monopolyo, makakakuha sila ng kailangan nilang mga papel kung mag-aangkat din sila sa Europa, piso bawat rolyo subalit ang pag-angkat sa ibang bansa ay aabutin ng isang buwang mahigit." Nakangiti niyang paliwanag sa matanda. Siniguro niyang gigipitin ng Prayle ang mga ito na makapaggawa ng mga polyeto at Bibliya sa loob lamang ng isang linggong palugit. "Nalaman kong kailangang-kailangan nila ng papel ngayong linggo Ginoong Fausto." Makahulugang sabi niya sa matanda.
Para naman itong nakahinga ng maluwag. "Kung ganoon ay hindi na nga sila makakapaghintay pa ng isang linggo upang makagawa tayo ng mga bagong papel o kaya naman ay makapag-angkat sa Europa." Ang nasisisyahang wika ng matanda.
Ganoon na nga, kaya't dalhin mo ang mga papel na inangkat natin sa Europa at ibenta mo sa halagang dalawang piso bawat rolyo. Gawin mo ang sinabi kong dagdagan ng piso ang halaga sa bawat reklamo nila sa halagang una nating sinabi."
Masaya itong sumang-ayon at inutusan ang kanilang mga tauhang ihanda ang mga papel maging ang mga kalesang maghahatid sa mga ito sa pagawaan ng mga Zamora.
Hindi mapakali si Lucas, sa kabila ng problemang kinahaharap ng kanilang pamilya ay nangingibabaw ang matinding pag-aalala para sa babaeng dalawang araw na niyang hindi nakikita.
Ilang beses na niyang tinanong ang kaniyang ina kung may alam ito kung nasaan si Lyra subalit ang tanging sagot lamang nito ay may mahalagang inaayos ang dalaga at wag siyang mag-alala.
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Historische RomaneKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...