Capítulo Nueve

211 10 0
                                    

       
        "Sa tingin ko nga ay magandang ideya ang sinabi mo binibining Kallyra." Ang nakangiting sang-ayon sa kaniya ng butihing ginang. "Ako na lamang ang kakausap sa iba, ilalahad ko ang iyong mga ideya. Ang ginawa mong pag-sasaayos sa aking mga talaan ng kita at gastusin ay naging mas maganda ang pasok sa akin ng kita, napakahusay mo sa larangang ito, at hindi ko mapigilang hindi ka purihin, napakasuwerte kong ako ang iyong nilapitan" tanging ngiti lamang ang isinukli niya dito.

        Naipaliwanag na niya dito ang ilang pagbabago sa kaniyang plano. Ngayon ang kailangan niyang gawin ay ang kausapin ang matabang intsik.

        Ang sabi ng ginang ay naroon ito sa kulungan kasama ang ilang mga tsino at rebeldeng indiyo. Hindi niya ipinaalam sa Ginang ang pagbisita niya sa matabang intsik. Tanging si Diego lamang ang nakakaalam ng kaniyang pinaplano.

        Hindi ito nagdalawang isip na tanggapin ang kaniyang alok ditong magtrabaho para sa kaniya. Meron siyang mahalagang misyong iniaatang dito bago sila maghiwalay kahapon.

         Sabay pa silang lumingon ng Ginang ng marinig ang matinis at malamyos na tinig ng isang babae, nagtatawag ito sa labas ng malaking bahay ng Ginang. Kasunod ay ang mga yapak ng tagasilbi at sumungaw sa malaking bintana.

         "Nasa labas ho si binibining Mariya." Ang sabi nito sa kanila. Lumawak ang ngiti ng ginang.

         "Papasukin mo nanang Pasing." Utos ng ginang na agad namang sinunod ng matanda. Tumayo ang ginang upang salubungin ang bisita.

        Pumasok si Mariya suot ang makulay nitong baro't saya, may hawak itong telang supot at abanikong yari sa buli na may makukulay ding disenyo, larawan ng isang tunay na binibining pilipina ang dalaga, maging ang buhok nito ay masinop na nakapusod, hindi tulad ng sa kaniyang nakatirintas sa kaniyang likod. Binati ito ng senyora.

         "Mi mama cocinó puding y me pidió que trajera algo para ti y también quiere saludar a Don Serio." Magandang umaga rin ho Donya Julianna, nagluto si ina ng puding at inutusan akong dalhan kayo, pinakakamusta din ni ama si Don Serio. Ang mahinhing wika ng dalaga.

          "Tu mamá y tu papá son muy dulces, entren." Napakamaalalahanin talaga ng iyong ina at ama, halika tumuloy ka. Sumunod naman ang dalaga, nawala ang ngiti nito ng sulyapan siya. "Nakilala mo na si binibining Kallyra kahapon hindi ba?
Nanggaling siya ng Pranses, pilipno ang kaniyang ina dito siya pinanganak subalit ng magkolehiyo ay tumira sa bansa ng kaniyang ama sa Pranseya.

         Dalubhasa siya sa larangan ng kalakalan, at napakatalinong dalaga tulad din ng yumao mong kapatid na si binibining Katrina."

         Ngumiti ng tipid ang dalaga na sa tingin niya ay pilit lamang. "Ya me lo dijiste ayer donya Juliana." Sinabi nyo nga kahapon sa hapagkainan Donya Juliana. Ang tamad na sabi nito na tingin niya'y siya lamang ang nakakahalata.

         Natawa ng malakas ang ginang, hindi niya maiwasang hindi mangiwi sa tunog ng tawa nitong parang sa pabo.

        "Ipagpaumanhin mo Iha, hindi ko lang talagang mapigilan magkwento ang aking bibig dahil labis akong natutuwa, sa tingin ko ay paganda ng paganda ang takbo ng aking negosyo kahit ilang araw ko pa lang nakilala si binibining Kallyra, napakasuwerte kong ako ang kaniyang nilapitan at sa akin siya nag-alok ng kaniyang serbisyo, at nalaman kong naging magkaibigan sila ng aking anak sa Batanggas."

         Nagpatuloy pa sa pagkukwento ang ginang, muli ay pinalagpas niya na lamang sa kabilang tenga ang mga kwento nitong paulit-ulit at nagpanggap na lamang na nakikinig.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon