Sa paglipas pa ng mas maraming araw ay tila may nagbago sa kaniya. Hindi na siya ang dating Kallyra. Pilitin man niya ang sarili na bumalik sa dating malamig at palaging nakadistansiya sa iba ay hindi na niya magawa, nagbago na siya.
Lucas changed her.
Palagi na siyang nakangiti at palaging nakatawa. Subalit sa gabi, tuwing siya ay nag-iisa nawawala ang saya sa kaniyang mga labi at nawawalan ng kulay ang kaniyang mga mata. Palihim siyang umiiyak at pilit na inaalala ang mukha ng lalaking kahit man lang sa panaginip ay nais niyang makasama.
Hanggang sa dumating ang araw na wala na siyang mailuha. Patuloy sa paglipas ang panahon. Tila dumadalang na ang kaniyang pag-iisip tungkol sa nakaraan.
Mag-iisang taon na rin mula ng tumigil na sa pagtatanong ang mga tao kung bakit at anong dahilan kung bakit hindi siya sumama sa ekspidisyon.
No one knows the truth besides her and her friend Ashton. At tila sa bawat panahong lumilipas ay unti-unti na rin niyang nakakalimutan ang mukha ng lalaking una niyang minahal. And it broke her heart even more, natatakot siyang pati ang pagmamahal niya dito ay mawala.
Natatakot siyang sa oras na mawala ang pagmamahal na iyon ay mawawala na rin ang pagmamahal ni Lucas sa kaniya. She wants their love to last forever kahit hindi na sila magkikita pa. She will keep on holding dahil sa isip niya ganoon din ang ginagawa ni Lucas.
"I can't take this anymore, kailan mo ba balak huminto sa pagmamasid ng mga bituin Kallyra." Marahang pinihit ni Lyra ang kaniyang teleskopyo sa tulong ng stand ay hindi siya nabibigatan kahit na sobrang laki at bigat nito. Regalo niya ang malaking teleskopyong iyon sa kaniyang sarili after she graduated college.
Hindi niya pinansin ang pagtataray ng kaniyang pinsan na nasa kaniyang likuran. Araw-araw itong nanggugulo sa kaniyang bahay isang buwan mula ng makabalik siya dito. Palagi siya nitong niyaya kung saan-saan. Road trip, window shopping, manood ng sine, subalit palagi niya itong tinatanggihan.
She never go to work as well, mayroon namang namamahala sa kanyang mga negosyo at hindi naman siya maghihirap hanggang mamatay siya kahit hindi siya magtrabaho. Tanghali na rin siyang nagigising. She always spends her time cleaning her garden and watering her plants kasama ang kaniyang asong si Lucas. Tuwing gabi naman ay nagmamasid siya ng mga bituwin hanggang sa madaling-araw hanggang sa sumikat na ang araw.
"What's wrong with you, gusto mo bang mag-ermitanyo na lamang habang buhay. You look a like broken hearted man kahit wala ka namang boyfriend. Alam mo bang nilulugi na ni Milalinda ang mga negosyo mo. That girl is sooo freaking annoying and she looks like she don't know anything. I mean she's my friend but I am more concern about you, kumilos ka na bago pa gawing charity ni Min-min ang mga negosyo mo."
"Let her..." walang ganang tugon niya, she pat Lucas head, Bumatok naman ito at sumampa sa kaniya. Isa itong golden retriever na niregalo sa kaniya ni Ashton noong birthday niya. Dinila-dilaan nito ang kaniyang pisngi, She giggled and keep rubbing his head habang nilalayo ang pisngi dito.
"Are you serious?" hindi makapaniwalang bulalas nito na napahawak pa sa dibdib at nakabuka ng malaki ang bibig. Napangiti siya sa oa na reaksyon nito. "Are you dying? Oh my god! Kaya ba nagbago ka, kaya ba hindi ka na lumalabas ng iyong bahay? kaya ba ayaw mo ng magtrabaho?" nagimula ng tumulo ang mga luha nito. "I'm so sorry... b-bakit hindi mo sinabi." Tinakip nito ang palad nito sa bibig upang pigilan ang hikbi.
Namumula ang mahahaba nitong kuko dahil sa nail polished, sa tuwing makikita niya ito ay iba-iba ang kulay ng mga kuko nito sa kamay at paa. Although palagi din namang magkaterno. Maganda at matangkad ito, malaki ang pagkakahawig kay Taylor Swift kahit na half blood lang ito. Her father's gene was stronger katulad ng daddy niya.
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Narrativa StoricaKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...