Capitulo Sesenta y dos

78 7 3
                                    


       Nawala ang pait sa kaniyang dila dahil sa tamis ng bibig ni Lucas. She felt satisfied and was about to pulled away subalit pinigilan siya nito. He grip her hair from her back and kiss her slowly like he was savoring the taste of her mouth.

      Kinurot niya ito sa braso.

      "Hey!" kunot-noong reklamo nito ng bitiwan siya. Marahang hinaplos nito ang nasaktang braso.

     "You are insatiable man Lucas!" inis na singhal niya dito.

    "Ikaw ang unang humalik sa akin." he said in aggrieved voice.

     Pinaikot niya ang mata at pinilit ang sariling bumaba sa higaan upang abutin ang pagkaing inihanda nito.

      "Just stay there." tumayo ito mula sa pagkakaupo sa gilid ng higaan niya at kinuha ang bilaong kinalalagyan ng kaniyang pagkain. Merong tinolang manok, kanin, saging na lacatan, nilagang itlog at gatas doon. Muli itong bumalik sa kaniyang higaan at ipinatong sa hita nito ang bilao.

     Parang maglalaway na siya sa gutom ng maamoy ang mabangong samyo ng mainit pang sabaw ng tinolang manok. Hindi na siya tumanggi ng mag-alok itong subuan siya dahil sa bukod sa masakit ang katawan niya at masarap sa pakiramdam niyang pinagsisilbihan siya ni Lucas katulad dati.

     Sasamantalahin na niya dahil baka kapag bumalik na naman ito sa dating gawi ay hindi na siya muling magkaroon ng pagkakataon.

     Nang matapos na siyang kumain ay pinunasan ng kamay nito ang malangis  niyang labi. Pagkatapos ay iniwan na siya sa loob ng kaniyang silid upang ligpitin ang pinagkainan.

      Muli siyang bumalik sa pagkakahiga sa malambot na higaan ng may maliit na ngiti sa labi. It has been a while simula ng makahiga siya sa malambot na higaan. It has been a while since she was this happy.

       Five days have passed and Kallyra finally recovered completely. Ngayon ay naglilinis siya ng bahay at  nakapagluto na rin siya. Kaning umaga ay balak sana niyang maglaba ng damit  nila ni Lucas subalit nakita niyang maayos na itong nakasampay sa likod ng kubo.

        Nang matapos lahat ng pwede niyang gawin ay pinuntahan niya ang bagong panganak na si Lumen. Mayroon itong anim na tuta, isang itim, dalawang puti at tatlong kulay kayumangi.

      Bago pa siya makapili ay marami ng nauna sa kaniya at isang brown at ang itim na tuta na lang ang pwede niyang pagpilian. Ang hindi niya mapipili ay kukunin ng isa pang kaibigan ni Luisa. She told Lucas she wanted to keep the puppy with a black fur. Dahil ayon dito ay kulay puti ang napili ni Luisa na siyang naunang pumili dahil kaniyang aso ang ina ng mga tuta.

      She played with them for a little while and decided to go out for a walk.

       Masayang-masaya siya nitong nakalipas na mga araw. Hindi na siya binibigyan ni Lucas ng sama ng loob at palaging sinisiguro nitong wala siyang nagiging problema. At madalas din silang binibisita ng mga taga-nayon, minsan ay dinadalhan sila ni Lucas ng mga gulay at prutas. Palagi din siyang binabati ng mga ito sa tuwing makakasalubong niya sa tuwing lumalabas siya ng kubo. Everything seems perfect except for one thing, kapag binibisita sila ni Luisa.

      Hanggang ngayon ay naiinis siya sa babae. Although wala namang ginagawang masama sa kaniya at parang sinisubukan pa nga nitong makipagkaibigan sa kaniya. Pero hindi niya ito pinapansin, ang mas nakakainis ay manhid ang babae at patuloy pa ring nakikipaglapit sa kaniya.

      Speaking of the devil. Malayo pa lang ay nakangiti na sa kaniya ang dalaga at may bitbit na basket na alam niyang pagkain ang dala. Hindi natuloy ang binalak niyang maglakad-lakad dahil sa pagdating nito.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon