Capitulo Treinta y cuatro

81 5 0
                                    

          

         Sa Pugad (kampo) na matatagpuan sa Calle Azcattaga ay nagpatawag ng lihim na pulong si Andres Bonifacio na siyang tumatayong pansamantalang pinuno ng grupong El Comienzo (Ang Simula) na may labing-limang miyembro.
       
          Makikita ang alab ng rebolusyon sa muka ng mga naroon sa pagtitipon. Si Jose ay isa sa mga unang miyembro ng El Comienzo, isang mayamang ilustrado at mag-aaral ng medesina, dahil sa nakapag-aaral ay malinaw niyang nakikita ang kabulukan ng ginagawang pamamahala ng mga kastila sa kaniyang bansang Pilipinas.

         Itinaas niya ang kaniyang kamay upang magpahayag ng mungkahi at saloobin sa mga kasamang pawang mga ilustrado rin, mga kabataang ayon sa kanilang pinuno ay silang pag-asa ng kanilang bayan.

       "Anong iyong mungkahi Cuatro." 

       "Habang wala ang ating pinuno ay mas mabuting hindi tayo gagamit ng dahas upang ipahayag ang ating adhikain para sa mga pilipino at ang ating pagtuligsa sa mga patakaran ng Kastila."

         "At sa paanong paraan mo nais ipatupad ang nais mong mangyari." Si Teodoro Plata na tinaguriang 'Onse' ng grupo.

       "Sa pamamagitan ng mga polyeto." aniya. "Hindi ba ay hawak na ng pamilya ni Señor Georgio (Siete) ang gawaan ng mga polyeto at bibliya mula sa pamamahala ng mga Zamora?"

       "Maganda ang iyong naisip Cuatro. tulad ng iyong Nobelang 'Noli Me Tanghere' ay magagawa nating iparating ang ating mga saloobin sa payapang paraan. Maari mong pangungunahan mo ang proyektong ito kasama nina Catórce (Marciano) at Quince (Juan). "

      "Mayroon rin akong kilalang maaring makatulong na mag-imprenta ng mga nobela sa La Solidaridad at makapaglabas ng serye sa  El Nuevo Regimen na isang kilalang pahayagan sa Madrid." ani Señor Georgio.

       Nagpatuloy ang mahabang pagpupulong at hindi alintana ang paglipas ng oras. Pagsapit ng A la seis ng hapon ay nagsipag-uwi na sa kani-kanilang tinutuluyan ang mga kasama. At si Jose ay tumuloy sa kanilang malaking bahay sa Calamba. Sinalubong siya ng kaniyang nag-aalalang ama at ina ng marating ang mataas na tarangkahan ng kanilang bahay.

       "Por qué no fuiste e casa temprano Hijo?" bakit ginabi ka ng uwi iho?

       "Lo siento Madre, bakit gising pa kayo?"

       "Narito si Ginoong Lucas, ang anak ng Alkalde Mayor kanina pa siya naghihintay sa iyong pagdating anak." ani Don Francisco. Siya ang doktor ng Ginoo kaya natural lamang na kausapin siya nito subalit nakapagtatakang dayuhin siya ng Ginoo dito sa Laguna.

      Hindi kaya ay nagkaroon ng implekasyon ang sugat nito sa ulo? Subalit ilang buwan na ang nakalipas at nang huli niya itong tingnan ay maayos naman ang paghilom ng sugat.

      O hindi kaya nalaman nitong isa siya sa mga espiyang itinalaga ng pinuno sa kanilang tahanan. Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa naisip.

      Ipinilig niya ang kaniyang ulo upang alisin iyon sa kaniyang isipan at nagmamadaling sumunod aa kaniyang ama at ina papasok ng kanilang tahanan.
 
       Tumayo ang kanilang bisita ng makita sila at yumukod ng bahagya bilang pagbati. Isinama niya ito sa kanilang teresa upang doon sila makapag-usap ng walang istorbo.

       Sa loob ng mahabang sandali ay tahimik lamang sila ng kaniyang amang nagmamasid sa kalangitan. Alam niyang mayroon ding malalim na iniisip ang kaniyang mahal kasama. Subalit hindi niya ito tinanong at hinintay na ito ang magkwento.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon