Capitulo Cincuenta

56 3 0
                                    

 
   During the El Comienzo's escape.....

       "¡Correr! perseguirlos!" 'Takbo! habulin sila!' Patuloy sa paghabol ang mga kastilang sundalo. Paminsan-minsan ay nagpapaputok ng baril.

       "¡Cómo se atreven esos rebeldes a dejar escapar a los prisioneros! ¡No te dejaré vivir!" 'Ang lakas ng loob ng mga  rebeldeng itakas ang mga bilanggo, hindi ko kayo hahayang mabuhay!' ang galit na singhal ng magiting na Heneral.

      Maalon ang itim na itim nitong buhok na maayos na nakahati sa gitna. Halatang inaalagan iyon ng suklay at tila palaging basa dahil sa makapal na pomada. Matangos ang ilong nito at may bigoteng nilagyan din ng pomada upang hindi magulo ang tila bangkang estilo. Matangkad din ito tulad ng mga kalahi nito at masasabing maganda ang pangangatawan at may hitsura.   

         Napatigil ang Heneral sa paghabol. "¡Detener! cese el fuego!" 'Hinto, itigil ang pagpapaputok!' itinaas ng isang kamay at nagsihinto ang mga sundalo.

      Isang babae ang nakatayo sa gitna ng parang sa kadiliman ng gabi. Kakaiba ang itim na kasootan, hindi katulad ng mga kasootan ng mga babae sa panahong iyon. Nakalugay ang mahaba at maalong buhok na kulay kayumanggi. Mayroong gasgas sa gilid ng pisngi subalit hindi iyon nakabawas sa ganda nito, sa halip ay nakadagdag lamang iyon sa kakaibang karakter nito.

       Hindi katulad ng mga nakilala at nakasalamuha ng Heneral na mga dalagang may magagarang kasootan, may makukulay na abaniko at mamamahaling alahas, ang babaeng nasa kanilang harapan ay tila isang tahimik subalit mabangis na tigre na hindi mo maaring salingin.

     Ang kulay abo nitong mata ay tila nagliliwanag sa madilim na gabi. Mapupula ang makipot na labi na tila nang-aakit. Nakatayo ito na walang hawak na ano mang armas subalit mayroong telang nakasukbit sa katawan nito at nakasuksok roon ang dalawang mahabang patalim sa may bandang likuran. Tanging ang dalawang puluhan lamang ang nakalabas at kanilang natatanaw kaya't hindi niya alam kung itak ba iyon o isang uri ng espada.

     Gustong matawa ng Heneral, nais ba nitong harapin ang daan-daang mga sundalong may armas na baril gamit lamang ang itak o espada? Bukod pa sa isa itong babae? Sayang, maganda sana ang binibini subalit tila isa itong baliw at nais magpakamatay!

       "¿Quién eres jovencita? que haces aqui en el campo ¡Está oscuro y estamos persiguiendo a los rebeldes! ¿Quieres involucrarte?" 'Sino ka? anong ginagawa ng isang binibini sa parang sa gitna ng gabi? May mga hinahabol kaming nga rebelde! Gusto mo bang madamay?'

        Hindi nagbago ang blangko nitong muka at mataman pa ring nakatitig sa Heneral.

       "¿Quieres conocer a su líder, verdad? 'Gusto mong makilala ang kanilang lider hindi ba?' "¿Que quieres decirme?" 'Anong gusto mong sabihin sakin?' pantay at walang bahid ng takot ang magandang tinig ng babae na parang nakikipag-usap lang sa kapatid nito.

       "¿¿¡¡Tú!!?? ikaw!!?? ¿Una mujer? ¿Estás bromeando con nosotros? ¡Puedo matarte con un dedo! ¡No pierdas nuestro tiempo y no persigas mi paciencia! ¡Si no estamos persiguiendo a esos rebeldes, terminarás en mis manos!" 'Isang babae? Niloloko mo ba ako? Umalis ka na bago maubos ang pasensiya ko, kung wala kaming hinahabol na mga rebelde ay dadaan ka sa mga kamay ko.'
      
       "Lamento no dejarte hacer eso." 'Patawad subalit hindi ko hahayaang mangyari yun.'

       Itinaas nito ang dalawang kamay at inabot ang dalawang puluhan ng sandatang nasa likuran nito. Nang hugutin nito iyon sa kinasusuksukang lalagyan ay sakto namang nahawi ang makapal at madilim na ulap sa langit.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon