Mukhang hindi nga simple ang problemang kinakaharap ng mga negosyo ni Donya Juliana, sa tingin niya ay babagsak ang korporasyong ito kung hindi mapipigilan, sa totoo ay wala naman talaga siyang pakialam, subalit naging mabuti sa kaniya ang ginang at maging ang pamilya nito, hindi naman makakaapekto sa kaniyang plano kung tutulungan niya ang mga ito.Panahon na siguro upang pakilusin niya ang mga pyesa sa kaniyang laro na kaniyang binuo ng magsimula siyang buoin ang kaniyang plano.
Bukas pa sila magkikitang muli ni Diego. Pero nagpadala siya ng sikretong liham sa isa mga taong nirekomenda ng binata, nakasaad doon ang nais niyang pagpupulong kasama ang mga tauhang binuo. Narito siya ngayon sa Laguna, kailangan niyang magtungo sa lugar na pagdadausan ng kanilang pulong.
She rerecieved Diego's reply with the location but she don't have any idea where it is. She take a deep breath ang look for someone who can help, nagtanong siya sa matandang ilustradong nakasalubong.
"Disculpe per favor." Excuse me, please. Nakangiting tawag niya sa atensyon nito, magalang itong ngumiti sa kaniya.
"¿Sí señorita?" yes senyorita?
"¿Para ir al kalye Cecilia señores?" Paano makarating ng kalye Cecilia ginoo? Ang tinutukoy ay ang bayan ng Calamba kung saan gaganapin ang pulong.
"Vaya todo recto." Dumeretso ka diyan. Tinuro nito ang daan sa kaliwa niya, lumingon siya sa tinuro nito, isang deretsong kalye iyon at may mga punong manggang nakahilera sa gilid. "Tome la segunda calle a la derecha, es la calle del sol. " pagkatapos ay lumiko ka sa pangalawang kalye sa kanan, iyon ang kalye del sol.
Tumango-tango si Kallyra at matamang nakikinig sa kausap. "¿La segunda a la derecha?" Pangalawa sa kanan? Kumpirma niya.
"Sí justamante." Oo tama. " Entonces tome la primera calle a la derecha, vaya todo recto." Pagkatapos ay lumiko ka ulit sa sunod na kalye sa kanan.
"İGracias! ¿Entoces ese lugar es kalye Cecilia entices?" Salamat iyon na ba ang kalye Cecilia?
"No, eso no es kalye Cecilia." Hindi, hindi iyon ang kalye Cecilia "Ahora estás en kalye Cecilia." Narito ka na sa kalye Cecilia.
Ang nakangising wika ng matandang ilustrado pagkatapos ay basta na lamang umalis. Naiwang natitigilan si Kallyra, habang nagpoproseso ang utak.
5 seconds, 10 seconds, one minute... "What!" asar na singhal niya. Tingin niya ay nabawasan ng limang puntos ang IQ niya dahil sa pakikipag-usap sa pilosopong matanda.
Inis na iginala niya ang tingin sa paligid at masama ang tinging ipinukol sa malaking karatula sa harapan niya. 'Kalye Cecilia.'
Kinutusan niya ang sarili sa isip. Nagpalinga-linga pa siya at hinanap ang kubong may bangkito at maraming kopras ng niyog na nakapatas sa harap ng bakuran, naglakad-lakad pa sya ng kaunti at nakahinga ng maluwag na makita ang hinahanap.
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Fiction HistoriqueKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...