Capitulo Cuarenta

59 5 0
                                    


       Mariing kinuyom ni Maxwell ang kaniyang kamao, kanina pa siya hindi mapakali at parang hinahalukay ang kaniyang tiyan. Marahas niyang sinuklay ang kaniyang buhok. A nagging feeling inside him was consuming his thoughts. Ramdam na ramdam din niya ang tensyon sa kaniyang balikat.

            "Hey.. hon are you okay?" ang marahang paghaplos ng mga palad sa magkabilang balikat at nagpaahon sa kaniyang malalim na pag-iisip. Mula sa kaniyang likuran ay marahang pumulupot sa kaniyang dibdib ang makikinis at maputing braso ng dalaga. Ramdam niya ang paglapat ng malambot nitong dibdib sa kaniyang likuran at ang mabango nitong hininga, humilig ang ulo nito sa pagitang ng kaniyang leeg at balikat.

               Nilingon niya ito at binigyan ng tipid na ngiti. "I'm fine Shekainah."                                       
              "I don't understand you Pierce, hanggang ngayon ba ay nababaliw ka pa rin sa babaeng yun. Huwag mong kalimutang siya ang dahilan ng lahat ng kamalasang nangyari sa buhay mo at ng iyong pamilya. Think of tita Riza, she died because of her, paano mo naatim na tumira sa iisang bahay kasama ng taong naging dahilan ng pagkamatay ng mama mo."

               Tahimik na tumayo si Maxwell mula sa pagkakahiga sa kama at isinuot ang kaniyang maong na pantalon.

               "Please, layuan mo na siya. I know you just want your revenge but you don't have to live with her. And you are not really married, hindi naman na-register ang kasal niyo di ba."

       Lumapit si Maxwell dito at hinalikan sa noo ang babae. Mapupungay ang mga mata nitong nakikiusap na nakatitig sa kaniya. Niyakap niya ito sa bewang at gumanti din ito ng yakap sa kaniya. Tanging t-sirt lamang niya ang suot nito,

              "Nagseselos ka na ba?" nakangiting wika niya. Agad itong sumimangot at inirapan siya.

             "Sinasadya mo sigurong gawin ito kase gusto mo akong magselos." Inis na wika nito. He chuckled and kiss the tip of her nose.

             "I have to go." Aniya habang binubutones ang sinoot na polo.

             "Can I see you tomorrow?" sinulyapan niya ito, nababasa niya sa mga mata nito ang pag-asam. He gave her a small smile.

             "I'll think about it." He said with a smirk, sumimangot ito at inirapan siya. Hindi niya iyon pinansin at tinalikuran na ito. Agad na lumamig at tumigas ang kaniyang muka ng makalabas sa silid na yon. Narinig pa niya ang pagtawag ng dalaga sa kaniyang pangalan subalit hindi na niya ito nilingon.

           Nang makalabas siya sa matayog na building na iyon ay kaagad siyang sumakay sa kaniyang paboritong sports car at tinahak ang daan patungo sa kumpaniyang pag-aari ng kaniyang ama. Maraming nakabinbing trabaho na natambak pa noong isang araw. Balak niyang tapusin lahat iyon ngayong araw upang makapagbakasyon siya kahit dalawang araw lang.

                Kailangan niya ng time to straighten up himself. Hindi niya gusto ang nangyayari sa pagitan nila ng kaniyang asawa maging ang takbo ng mga pangyayari. He doesn't like how he feels towards her, nalilito siya at hindi yun maaari.

        He had to stay firm and cold upang maisakatuparan ang kaniyang paghihiganti. Humigpit ang kapit niya sa manubela ng kaniyang sasakyan, malapit na ring magtagumpay ang kaniyang mga plano. So he had to stay away from her and so he won't waver.

             "Good morning sir!" ang kaagad na bati ng kaniyang mga empleyado. They own the whole building it has fourty floor. Sa malalaking hakbang ay tinungo niya ang private elevator at kaagad naman iyong bumukas para sa kaniya.

                He pressed the top floor button kung nasaan ang opisina niya. Kita niya bawat floor na nadadaanan dahil glass door iyon, kita niyang busy lahat ang kaniyang mga emleyado at kulang na lang ay isubsob ang mga muka sa harap ng monitor. He wonders kung ganoon talaga kadedicated ang mga ito o dahil alam lang ng mga itong naroon siya.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon