Nang maayos ng nakaupo ang dalaga ay siya naman ang sumampa sa kalesa. Inis niyang sinulyapan ang katabi at lalo pang nagdugtong ang kaniyang kilay ng makitang may maliit na ngiti sa dalaga para sa binatang kutsero.Nagsimula ng umandar ang kanilang kalesa. Ang mga telang nabili ng dalaga ay kasunod nila, hila-hila ng mga kalesang ginagamit sa pangangalakal. "Marunong ka din bang mangabayo ginoo?" Ang tanong na iyon ay para sa kutsero.
"Marunong ako binibini." Malaki ang ngiting sagot ng binata. "Masaya ang pangangabayo." Ani pa nito. Ang tunog ng pagsasalita nito ay parang umaawit, pataas at pababa. Ganito ang tunog ng pagsasalita ng mga naninirahan dito sa Batanggas.
Hindi niya pinansin ang pagkukwentuhan ng dalawa at tumingin na lamang sa daanan.
"Hindi ko pa nasusubukan ang pangangabayo, subalit tingin ko nga ay masaya yun." Tumango ang binata bilang pagsang-ayon at patuloy na ginigiya ang kabayo. "Sabihin mo, kailan ka natutong mangabayo?" Sumimangot si Lucas, bakit masyado namang interesado ang katabi sa buhay ng binatang kutsero. At bakit naiinis siya, dahil ba masungit ito sa kaniya at magiliw ito sa kutsero?
"Bata pa lamang ako ay natuto na akong mangabayo at ang pagdadala ng kalesa na ang naging trabaho ko hanggang ngayon binibini." Kwento ng binata, nakita niya sa gilid ng mata na tumango-tango ang dalaga.
"Kung matuturuan mo ako ng pangangabayo ay uupahan kita." Agad napalingon si Lucas sa katabi.
"Marunong din akong mangabayo." Mabilis niyang sabi at humarap pa dito. Napakurap ito at napatitig sa kanya para bang nagulat sa taas ng kaniyang boses at ang pakikisali niya sa usapan.
"Talaga? Sa tingin ko nga ay marunong ka Lucas." Hinintay niyang tanungin siya nito kung maaari niya itong turuang mangabayo subalit nanatili itong tahimik.
"Ikalulugod kong turuan ka binibini." Ang sagot ng binatang kutsero at lumingon pa ito sa dalaga upang ipakita ang kasiyahan nito. Sinuklian din ito ng ngiti ng dalaga. Nagpatuloy pa sa kwentuhan ang dalawa, nagngingitngit ang kanyang loob.
Nagpanggap na lamang siyang nakatulog at pilit na nag-iisip ng kung ano-ano upang hindi niya marinig ang usapan ng dalawa. Gusto na niyang sipain ang kutsero sa inis o kaya naman ay pababain ito at siya na lamang ang magpatakbo ng kalesa para tumahimik ang paligid, masyadong maingay ang dalawa.
Matagal ang kanilang biyahe kaya kinailangan nilang huminto upang makapagpahinga ng sandali. Huminto sila sa tapat ng bahay kainan. Agad na bumaba si Kallyra, nagugutom na siya, mabuti na lang at meron siyang pera, she helped the old man who kindly let her stay in his house for a mean time to sell goods and he gave her a good tip.
Malaki daw ang kinita nito at nadoble ang kakaunti nitong puhunan, hindi niya tinanggihan ang pera dahil nangangailangan siya.
Who would have thought that she will be this helpless? She was a billionaire, and now she is a rat poor princess.
Bumaba din ng kalesa si Lucas at naiwan ang kutsero. Masayang kausap ang binata, nakikita niya dito ang kasamahang si Ashton, isa sa mga astronomer si Ashton at isa ito sa mga madalas niyang nakausap sa space ship, he is American at naging kaklase din niya ito sa ilang subjects niya sa Harvard University dahil parehong Astronomical science and kurso nila.
Agad siyang pumasok sa loob ng Pancitan, mayroong mga nagsisikain sa loob at inuukupa ang ilang mga upuan at mesang yari sa kahoy, bawat lamesa ay may mga gaserang yari sa bubog, ngunit dahil sa maaga pa ay wala iyong sindi.
![](https://img.wattpad.com/cover/152723271-288-k422281.jpg)
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Ficción históricaKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...