Capitulo Cincuenta y siete

55 4 2
                                    


       Nakaabang ang halos lahat ng mga naroon sa handaan sa magiging reaksyon ng binatang anak ng Alkalde mayor ng Maynila. Lahat ay nasasabik na mapatunayan ang kanilang ipinagmamalaking masasarap na luto.

     "Masarap nga!" malaki ang ngiting papuri ni Lucas. Everybody cheer in unison at nagpatuloy ang kwentuhan at masasayang tawanan.

     Kallyra wanted to roll her eyes kung hindi nga lamang may makakakita sa kaniya at isiping masama ang ugali niya at baka ikumpara pa siya sa dyosa ng mga itong si Luisa.

      Tahimik at mabagal niyang inubos ang pagkaing siya mismo ang kumuha sa malapad na hapag-kainan.

    Naroon sila sa labas ng tahanan ng kabesa ng baranggay. Mayroong ilang opisyal na naroon. May malapad na tolda na ginamit na pangharang sa sikat ng araw at may dalawang malapad at mahabang mesa kung saan nakahain ang masasarap na pagkain, tulad ng sugpo, ginisang mga gulay, pinaupong manok, atsara, ginataang manok, adobo, at marami pang iba.

     Hindi man niya gustong aminin ay talagang masarap nga ang mga lutong pagkain sa hapag-kainan at walang tulak-kabigin. Naparami din siya ng kain kahit hindi niya talaga binalak kumain ng marami dahil masama ang loob niya sa kung anong dahilan.

      Nang matapos kumain ay uminom siya ng tubig at nilantakan ng paunti-unti ang masarap na ginataang saging na may halong kamote, balinghoy, langka at ilan pang lahok na hindi niya kilala.

     Pinagmasdan niya ang masasayang tawanan ng mga tao sa paligid. Napansin niyang kakaiba ang upuan sa handaang iyon. Tig-isang mahabang tabla na kasing haba ng hapag-kainan sa magkabilang bahagi ang kinauupuan nila kaya naman ay halos magkakadikit sila.

      Kung iisipin ay maganda ang ganitong uri ng handaan sapagkat mararamdaman mo ang presensiya ng bawat isa at magiging mas masaya ang kwentuhan. Subalit mula kanina pagdating niya ay nanatili lamang siyang tahimik at nagmamasid. Paminsan-minsan ay sumasagot siya ng oo at hindi kapag may nagtatanong sa kaniya na halatang naiilang pa o kaya naman ay napipilitan lang.

     "Kung hindi mo naitatanong ay lupa ni kabesang Manuel ang ating nabili ginoong Lucas kaya naging madali ang naging proseso ng pagsasalin ng titulo sa iyong pangalan." narinig niyang imporma ni ginoong Fausto kay Lucas.

     Tumango si Lucas. "Ang balak ko ay bisitahin ang mga lupain kinabukasan upang masimulan na natin ang pagpapatanim, kailangang samantalahin natin ang magandang panahon."

     "Mabuti nga iyan, makakatulong din si kabesang Manuel sa paghahanap ng mga magsasakang mauupahan sa pagtatanim."

      "Makakatulong din si ama sa mga suhesyong tungkol sa pagtatanim sapagkat nakatapos siya ng edukasyong pang-agrikultura. Kakausapin ko si ama para tulungan kayo." ang nakangiting wika ng magandang dalaga. Lumabas na naman ang malalim na biloy nito sa pisngi na nakakaakit pagmasdan.

      "Maraming salamat binibining Luisa." nakangiting wika ni Lucas.  Namula ang makinis na pisngi ng dalaga at nahihiyang yumuko na lalong ikinalapad ng ngiti ng binata.

    "Kung sana ay madadalhan mo din kami ng pananghalian sa bukid tuwing tanghali, simula ng matikman ko ang mga luto mo ay parang ayaw ko ng kumain ng luto ng iba." ang nakangising biro pa ni Lucas na parang gustong tuksuhin ang lalo pang namulang dalaga.

    "Ah... kung iyon ang gusto mo ginoong Lucas." mabini nitong sang-ayon na hindi makatingin sa mata ng binata. Subalit madalas naman niya itong nahuhuling sumusulyap kay Lucas.

     "Ay maganda nga iyan!" ang masayang bulalas ni ginoong Fausto. "Hindi na ako makapaghintay kumain ng tanghalian bukas!" muling nagtawanan ang lahat ng mga naroon na nakarinig ng kanilang usapan.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon