Matapos ang mahaba-habang pag-uusap ng kaniyang pamilya ay hinanap niya si Lyra. Nauna itong umalis sa hapag-kainan kanina. Natagpuan niya ito sa may hardin na nagdidilig ng mga halaman. Madalas nito iyong ginagawa bago magtungo sa pamilihan.Naramdaman nito ang kaniyang paglapit at huminto sa ginagawa. Sa kabila ng mumunting pawis sa noo ng dalaga ay hibdi iyon nakabawas man lang sa angkin nitong ganda. Hindi niya mapigilan ang ngiti ng makita ang mapang-asar nitong ngisi.
Kumunot ang noo nito ng makalapit na siya ng tuluyan at mapansing hindi siya naiinis gaya ng kaniyang inaasahan. Lalong lumawak ang kaniyang ngiti.
"Anong nakakatuwa?" Hindi nito mapigilang itanong.
"Hinihintay kong ituloy mo ang sinimulan mo kanina." Naningkit ang mga mata nito at pilit binabasa ang kaniyang isipan. "Naghihintay ako Lyra." Hamon niya dito, sa isip ay natutuwa dahil kahit papaano ay nakakabawi siya sa kspilyahan nito at upang hindi nito isiping duwag siya.
"You don't seem like the typical old fashion man in this era." Mahinang sambit nito.
"Anong ibig mong sabihin?"
Nagkibit ito ng balikat. "Hindi ka maginoo, iyon ang ibig kong sabihin. Nabubukod tangi ka sa mga binatang nakilala ko dito."
Siya naman ang kumunot ang noo. "Iba talaga ako sa kanila. Sino-sino ang mga binatang tinutukoy mo?" Inis na tanong niya dito. Wala siyang matandaang mga binatang napalapit dito.
"Si Valentin, sina Diego at Andres."
"Sino si Andres?"
"Kaibigan ko."
"Paano at kailan mo siya nakilala? Noon bang naghiwalay tayo sa Batanggas? Hindi ka dapat nakikipagkaibigan sa kung sino-sino." Nagsisimula na namang uminit ang ulo niya. "At mas magandang lalaki ako kumpara kay Valentin as mas higit sa kutserong kaibigan mo kaya hindi mo ako maikukumpara sa kanila!"
Pinaikot na naman nito ang mga mata tulad ng lagi nitong ginagawa kapag naiinis siya ng dahil dito.
"Huwag kang makikipagkaibigan kay Valentin at hindi ako papayag na dalawin ka niya sa bahay." Matigas niyang sabi ng maalala ang kaibigan. Nagsabi itong dadalaw sa dalaga. Napaismid siya."Hindi dahil may gusto ka sakin ay bawal na akong makipagkaibigan sa ibang lalaki Lucas." Inis na ring sita nito sa kaniya na mas lalo niyang ikinainis
"Kung ganoon ay makipagkaibigan ka!" Asar na singhal niya. Kung malalaman ng kaniyang ina na naninigaw siya sa babae ay pihadong magagalit ito sa kaniya. Hindi na rin niya nakikilala ang sarili. Simula ng makilala niya si Lyra ay tila nagbabago ang ugali niya. Hindi kailaman siya nakipagtalo noon sa isang babae o nainis man lang katulad ng nararamdaman niya sa kaharap. "Pero hindi ka pwedemg lumagpas pa doon. Dahil sa akin ka na." Matapang niyang deklara. Sa kaniya lang si Lyra.
Nanlaki ang mga mata nito sa kaniyang sinabi. "Ilang beses mo na kong hinalikan. Kung malalaman ng iba ay ipapakasal nila tayo kaagad kahit tumutol ka pa."
"What?" Hindi makapaniwalang turan nito.
"Alam kong isa kang dayuhan at ganoon din ako, subalit dito ako lumaki at nanirahan sa Pilipinas. Dito, hindi maaaring maghalikan ang babae at lalaki na hindi pa kasal. At hindi ko gustong maakusahan ng pananamantala kaya kung hindi ka pa handang magpakasal sa akin sa ngayon ay huwag mong subukang makipaglapit sa ibang lalaki" Nakangising imporma niya sa natitigilang dalaga na may halong pagbabanta.
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Fiksi SejarahKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...