Nanatiling nakatungo si Lucas, naririnig niya ang pag-uusap ng kaniyang mga magulang subalit wala roon ang kaniyang isipan. Kaalis lamang ng kaniyang kababata at ni donya Trinidad sa kanilang tahanan. Sa kanilang pag-uusap kanina ay tipid na tango at iling lamang ang kaniyang mga kasagutan.
Nararamdaman niya ang mga titig ng kaniyang ama at ina subalit hindi niya iyon binibigyan ng pansin. Naroon pa rin sila sa salas ng kanilang bahay. Gulong-gulo ang kaniyang isip, tinatanong niya ag kaniyang sarili kung tama ba ang kaniyang naging pasya.
Tumigas ang kaniyang muka at mariing kinuyom ang kaniyang kamao. Nararamdaman din niya ang paninigas ng kaniyang mga balikat at ng kaniyang sikmura dahil sa pinipigilang emosyon. Sa kabila ng galit ay nangingibabaw ang matinding sakit.
Siguro ay sapat na ang pinalipas niyang tatlong araw at maari na niyang sundan ito sa La union. Kapag nagtanong ito ay sasabihin niyang kailangan din niyang malaman ang kalagayan ng mga trigo doon.
“Anak, kanina ka pa walang imik…” nakaahon siya mula sa malalim na pag-iisip ng marinig ang tinig ng kaniyang ina patungkol sa kaniya. “Nagdadalawang isip ka ba tungkol sa inyong kasal ni Mariya..” may pag-aalala sa tinig ng ginang.
“Maari ka namang umurong habang maaga pa Lucas.” Ang kaniyang ama, binuga nito ang usok ng tabakong kanina pa nito hinihithit. Tulad ng namayapa niyang lolo ay mahilig din sa tabako ang kaniyang ama, isang natatanging bagay na hindi niya namana dito.
Payak siyang umiling. Hindi niya kayang gawin iyon kay Mariya, mahina ang puso nito at sa kalagayan ng pamilya nito ngayon ay baka hindi na nito kakayanin ang panibagong sama ng loob. Kahit papaano ay may puwang naman sa puso niya ang dalaga.
Kaibigan na niya ito mula pa pagkabata at ito palagi ang nagtatanggol sa kaniya dahil medyo may pagkalampa at iyakin siya noong bata pa sila. Noong nag-aaral pa siya ay madalas siya nitong dalawin at padalhan ng mga nakakatuwang telegrama. Masaya din itong kausap at palagaay ang loob niya dito.
Magkapareho sila sa maraming bagay, tulad ng paborito nilang pagkain na madalas iluto ng kaniyang ina na bilo-bilo hindi tulad ni Lyra na ayaw ng matatamis na pagkain. Mahilig silang umawit at maganda ang tinig ni Mariya, naalala niya ang nakakatuwang pag-awit ni Lyra sa kaarawan ng Gobernador Heneral. Sumisikip na naman ang kaniyang dibdib.
Ipinilig niya ang kaniyang ulo.
Hindi niya muna dapat iniisip si Kallyra.
Ano pa bang pagkakapareho nila ng kababata. Ah! mahilig sila ni Mariya sa mga kwentong kababalaghan tulad ng mga kapre, maligno at mga diwata.
Palagi niyang binabasahan ng kwento ang dalagang kababata at siya rin ang nagturo ditong magbasa at magsulat sapagkat ipinagbabawal ang pag-aaral ng mga kababaihan. Samantalang si Katrina ay lumaki sa espanya at dahil likas na matalino ay natuto ng kusa at walang tulong mula sa iba. Sa tingin niya ay magagawa niya itong pakisamahan ng panghabang-buhay. Tama lamang ang kaniyang desisyon.
Sa paglipas ng maraming panahon ay matututunan din niya itong mahalin…
“Hindi ko iuurong ang kasal ama.” Buo na ang kaniyang loob, hindi niya pagsisisihan ang gagawin. Tama lamang ito, sa tingin niya ay isa lamang pagsubok sa kanila ni Mariya si Katrina at si Kallyra. Dahil matapos ang mga nangyari ay sila pa din ng kaniyang kababatang si Mariya ang ikakasal.
“Subalit.. si binbining Kallyra..” may lungkot sa tinig ng kaniyang ama. Muli siyang napatiim bagang. Ang lungkot at sakit na nararamdaman ay sumisigid sa kaniyang kalamnan at nilalason ang kaniyang isipan.
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Ficción históricaKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...