Huminto ang sinasakyang kalesa sa tapat ng bahay ng alkalde mayor naroon si Lucas sa may pintuan na nakaharap sa kalsada, nakasimangot na nagaabang ng paghinto ng sinasakyan niyang kalesa.Nakapamewang pa ito at nagsasalubong ang mga kilay, masigla siyang bumaba ng kalesa matapos abutan ng upa ang kutsero, iniangat niya ng bahagya ang kulay itim na saya at walang pagmamadaling lumapit sa nagaalburutong binata.
She smiled widely. "Buenas tardes caro." Magandang tanghali.
"Hapon na, saan ka nagtungo?"
"Sa bahay-pamilihan may inayos lamang akong ilang mahahalagaang bagay." Nakangiti pa rin niyang sagot. Para itong asawang babae na pinagagalitan ang asawang lalaking ginabi ng uwi. Natatawa siya sa isip.
"Bakit hindi mo ako sinama?" kunot-noong tanong pa nito.
"Hindi naman talaga kita sinasama sa mga pinupuntahan ko." She said. Lalong nagdikit ang makakapal at maitim nitong kilay. Nagpatuloy siya sa paglakad upang makapasok na sa loob ng malaking bahay, but she stop when she heard him growled. She chuckled.
"Anong nakakatawa." He snapped.
" What are you? a dog?" Natatawang sambit niya. Naiiling na iniwan na niya ito doon at agad naman itong sumunod sa kaniya.
"Kumain ka na ba?" tanong nito.
"Hindi pa." Saka pa lang siya nakaramdam ng gutom ng maalala ang pagkain.
"Halika sa kusina, nagpaluto ako ng sinigang at adobo kay nanang Pasing." Anyaya nito, nagpatiuna ito sa kusina at siya naman ang sumunod dito.
Wala roon ang mag-asawang De la Torre, malamang ay naroon ang ginang sa bahay kalakalan upang ayusin ang lumalalang problema sa kanilang negosyo.
"Nasaan si Don Serio." Tanong niya ng makaupo na sila sa hapagkainan.
"Nagtungo sa intramuros, ipinatawag siya ng Gobernador Heneral. Sa palagay ko ay pag-uusapan nila ang nalalapit na pagpapalit ng Gobernador Heneral, nagtungo ang sugo ng espanya noong kaarawan ng Heneral." Tumango-tango siya.
Naalala niyang hindi nga pala niya nakausap ang Gobernador Heneral. Ayos lang she always have plan b.
"Tungkol sa mga kalakal na nasunog kahapon sa Masbate, nahuli na ba ang mga gumawa?"
"May mga nahuli at marami din ang nakatakas at nakapagtago. Tinutugis na sila ng mga gwardiya sibil." Bumuntong hininga ang binata.
"Sa tingin mo bakit ginagawa ng mga indiyo ang magsunog ng mga kalakal sa halip na nakawin na lang nila upang mapakinabangan?"
"Sa tingin ko ay isang pagrerebelde ang ginagawa nila, galit sila sa lahat ng mga kastila. Subalit naiintindihan ko sila, dahil kanilang bansa ang tinitirhan namin at nakikitira lamang kami, nakikinabang sa yaman ng bayan. Hindi ako sang-ayon sa pamamalakad ng pamahalaan, nais kong magkaroon ng higit o kung hindi naman ay pantay na karapatan ang mga indiyo sa kanilang bansa. Subalit hindi din ako sang-ayon sa paraan ng kanilang pagrerebelde sapagkat sila din ang napapahamak."
"You have to understand Lucas, walang gustong makinig sa kanila at hindi sila galit sa lahat ng kastila dahil kahit hindi sila nabibigyan ng karapatang mag-aral ay marunong naman silang makaintindi ng tama at mali. Ano sa tingin mo ang magiging paraan nila upang iparating sa hari ng espanya ang pang-aabuso ng ilang mga kastilang itinalaga niya dito upang mamuno."
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Historical FictionKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...