Capítulo Catórce

225 10 0
                                    

     

        Lalong sumama ang pakiramdam niya matapos mapanood ang nakahahalinang pagtatanghal ng dalawang taong pinakaiinisan niya ngayon.

         They look good together, parehong mataas ang katayuan sa lipunan. Parehong gwapo at maganda, parehong maraming talent. Lucas and Mariya, just perfect.

          Sa pinanggalingan niya ay maraming naiinggit sa kaniya, she graduated receiving the highest latin honor in Harvard sa dalawang kurso, Business management and Astronomical Science.

           At hindi lang utak ang mayroon siya, she got beauty too pero sa lugar na ito isa siyang katawatawa. She hissed and drink another glass of wine, hindi man lang siya tablan ng alak, lalong nakakainis, kailan kaya titigil ng pagbubulungan ang mga taong ito.

          Alam niyang siya ang topic ng mga ito, umismid siyang muli at masama ang tinging ipinukol niya sa ilang kababaihang nakapalibot kay Lucas ilang dipa ang layo sa kaniya.

         "May pagligaw-ligaw pang nalalaman, bastard." Pabulong na himutok niya bago muling lumagok ng alak.

         ""Hindi pa sa tanang buhay kong narinig ang awiting inawit mo kanina binibini, isang kakaiba at may malalim na nilalaman ukol sa mga taong mapanghusga, at ang higit na nakakamangha ay ang paraan ng iyong pagawit, isa iyong napakahusay na palabas." Lyra almost rolled her eyes sa papuring narinig, napailing siya, maging sa panahong ito pala ay mayroon ding binatang may mabulaklak na dila.

     Naramdaman niya ang paglapit nito kanina at nagpaalam itong makikiupo sa laniyang tabi at tumango lamang siya.

          "Supongo que no eres realmente de aquí, ¿puedo darte tu nombre?" Ang hula ko ay hindi ka talaga dito sa siyudad nakatira, maaari bang malaman ang iyong pangalan binibini. Patuloy nito.

         "Inday ang pangalan ko." Aniya at tiningnan ito ng masama, the poor guy look a little shock in the hostility in her voice.

        Naalala niya, ito ang lalaking nakabasag ng baso kanina matapos niyang kumanta o kanta nga bang matatawag yun.

        Kita niyang totoo ang ipinakita nitong pagkamangha kanina hindi tulad ng sa iba, hindi tulad ni Lucas na pinagtatawanan siya.

       "A-ako si Valentin Diaz. Maaari mo akong tawaging Valentin." Alanganing pakilala nito. Guwapo, matangkad at halatang mataas din ang katayuan sa lipunan.

         He has brown eyes at maputing balat, medyo maliit ang katawan kumpara kay Lucas at mayroon itong kulot na buhok at maayos ang gupit at parang binuhusan ng mantika sa kintab.

         She widthraw her claws at masayang ngumiti, mukhang mabait ito, sa wakas mayroon na rin siyang makakausap, kung suswertehin ay maari pa niya itong mapakiusapang ihatid siya pauwi sa bahay ng mga De la Torre. Hindi na niya nais pang magtagal dito.

        "Nagbibiro lamang ako Ginoong Valentin, Kallyra ang totoong pangalan ko, at natutuwa akong nagustuhan mo ang kinanta ko." Lumawak ang ngiti ng kausap.

         "Kakaiba rin ang iyong pangalan, parang sa banyaga, ng minsang nagpunta ako ng Espanya ay mayroong mga Ingles na may pagkakahawig sa iyong pangalan at iyong hitsura.

         Noong una ay akala ko ikaw ang aking kaibigan subalit ng matitigan kita ng malapitan ay nalaman ko kaagad na hindi ikaw siya, mas maputi ka at iba ang kulay ng inyong buhok at mata." Natutuwang wika nito, kumunot ang noo niya.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon