Hapon na ng makarating sila, nag-aagaw-buhay na naman ang liwanag sa paligid. The view is breathtaking. Sa alaala niya ito ang pinaka-maganda sa lahat ng lugar na napuntahan niya, she wished not to leave this place.At natakot siya sa nararamdamang iyon, she can't stay here, hindi pwede. Kailangan niyang lisanin ang lugar, yun ang nararapat niyang gawin, at yun ang sinasabi ng matinong bahagi ng kaniyang utak.
But her heart says otherwise, sumasakit iyon parang titigil ito sa pagtibok, uminit ang kaniyang mata naguguluhan sa nararamdaman.
Pinagmasdan ni Lucas ang babaeng kasama, nililipad ng mabining hangin ang mahaba at maalon nitong buhok, tulad ng sa isang banyaga ang kulay niyon, parang kayumanggi, at nagkukulay pula dahil sa sinag ng panghapong araw, napakaputi rin nito, halatang meron itong banyagang lahi, nais niyang haplusin ang malambot nitong pisngi.
"¿Qué estás pensando?" Anong iniisip mo? tanong niya, naramdaman siguro ang matiim niyang pagtitig ay lumingon ito sa kaniya, hindi siya magsasawang pagmasdan ang mukha nito.
Ngumiti ito sa kaniya, sa tingin niya ay mas lalo pa itong gumanda, parang pinipiga ang kaniyang dibdib dahil sa mga ngiting iyon, ito ang unang beses na binigyan siya nito ng ganitong ngiti at gusto niyang kipkipin iyon.
"Iniisip ko.... Napakamahiwaga talaga ng kalawakan at marami pang kailangang matuklasan ang siyensya. Alam mo ba, na bukod dito sa mundong ito ay marami pang mundong katulad na katulad nito." Naguluhan siya sa mga sinabi nito. Napansin naman nito ang tanong sa kanyang mga mata. "Totoo, tingnan mo ang mga bituin Lucas." Tumingala ito at tumingin din siya sa kalawakan. "Alam mo ba na marami sa mga bituing iyan ay mas malaki pa sa mundong tinitirhan natin?" ang masaya nitong sabi.
Isang ala-ala ang pumasok sa kaniyang isipan dahil sa sinabi nito.
"Naniniwala akong bukod sa atin ay mayroon pang mga taong nakatira sa kalawakan mahal ko, nais kong makarating doon at makilala sila." Si Katrina, tinawanan lamang niya ito noon na minsan ay naging dahilan ng pagtatampo nito sa kaniya.
"Nakikita kong gusto-gusto mo talaga ang pagtuklas ng mga bagay-bagay tungkol sa kalawakan, nagtataka ako kung papaano ka naging mangangalakal, parang malayo sa talagang nais mong gawin." Aniya.
"Yeah.. siguro kapag marami na akong pera." Nakangiting biro nito.
"Marami akong salapi, matutulungan kita, kung gusto mong maging dalubhasa sa larangan ng pag-aaral ng mga bituin at kalawakan kaya kong tulungan ka." Nakangiting wika din niya, subalit seryoso siya sa kaniyang sinabi.
Lalong lumawak ang ngiti nito, napahugot ng malalim na hininga si Lucas, sumisikip na naman ang dibdib niya. "At bakit mo naman gagawin yun, hindi naman tayo magkaibigan at hindi ko gustong manghingi ng tulong sa iba, gusto ko sa sarili kong bulsa manggagaling ang gagamitin kong pera."
"Pakakasalan kita." Sabay silang nagulat ng dalaga sa salitang binitiwan niya. Subalit hindi niya gustong bawiin iyon kaya nanatili ang matiim niyang titig dito at hinihintay kung ano ang magiging reaksyon nito sa sinabi niya. "Kung magpapakasal ka sa akin, pag-aaralin kita magagawa mo ang gusto mo, ang mangalakal at magpakadalubhasa sa pag-aaral ng mga bituin." Deretso at pantay ang tinig.
Tumawa ito. "Hindi nakakatawa ang biro mo, pero nakakatawa ang hitsura mo. You have a talent Lucas pwede kang maging artista. God! You almost got me there." Humagikhik pa ito. Napasimangot si Lucas. Pinanood niya itong tumawa hanggang sa huminto ito at napansin ang pananahimik niya. Tumayo ito ng tuwid at seryosong tumitig sa mata niya.
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Historical FictionKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...