Enero 20, 1872Nahinto si Jose Rizal sa kaniyang ginagawa, nilingon niya ang bintana kung saan nagmumula ang mahihinang katok.
Tumayo na siya at lumapit doon ng muling marinig ang pangalawang pagkatok. "C-cuatro?" narinig niyang mahinang tawag ng kung sinomang nasa kabila ng bintana.
Tanging ang mga kasama sa El Comienzo ang nakakaalam ng alyas niyang iyon kaya walang pag-aalangang binuksan niya ang bintana. Bumugad sa kaniya ang kaibigang si Marcelo.
"Cinco?" gulat na sambit niya. May mga tilamsik ng dugo sa itim nitong kasootan. "Anong nangyari, halika tumuloy ka!"
Nang makapasok ay ipinagsalin niya ito ng tubig at hinintay na makabawi sa mabilis na paghinga. Itinakip nito ang palad na may mga bakas ng natuyong dugo sa marungis nitong muka at umugoy ang mga balikat nito sanhi ng mahinang pag-iyak.
"Naubos sila! Naubos sila!" humagulhol ang binatang ilustrado.
"Huminahon ka Marcelo, ihayag mo sakin ang mga pangyayari!"
"Si Sarhento Lamadrid, ang mga kasapi ng kilusan naubos silang lahat, ang hinala ko'y mayroong nagsuplong ng pag-aaklas!" may galit at pagdurusa sa muka nito.
Naupo si Jose sa upuang nakaharap sa kaibigan. "Liwanagin mo Marcelo, papaanong mayroong makakaalam?"
"May mga nagpaputok ng mga kwitis, mas maaga sa orihinal na oras ayon sa napag-usapan. Inakala naming iyon na ang hudyat kung kaya't nilusob na namin ang Arsenal, napatay ang mga opisyal na Espanyol subalit kanina lamang ay nagpadala ang Gobernador Heneral Izquierdo ng mga gwardiya sibil. Patay silang lahat kabilang si Sarhento Lamadrid." muling yumuyog ang balikat nito sa labis na pagdadalamhati.
Kinuyom ni Rizal ang kaniyang kamao at matagal na tumitig sa kadiliman ng gabi mula sa kaniyang bintan. Labis siyang nakadaramdam ng pagdadalamhati para sa mga nasawi na mga manggagawang indio.
"Sina Uno, nakarating na ba sa kanila ang balita?" tiim-bagang niyang tanong.
Tumango ito, nanatiling nakatakip ang makalyo nitong palad sa marungis na muka. Umaalingasaw sa loob ng kaniyang silid ang malansang amoy ng natuyong dugo sa kasootan ng kaibigan subalit nakadaragdag lamang iyon sa kaniyang galit at hindi pandidiri.
"Naroon pa rin sila sa Fort San Felipe. Ang sabi ni Uno ay palalakihin ng mga prayle ang nangyari. Inaakusahan nila sina Padre Burgos na siyang utak ng pag-aalsa at ma-maari silang m-magarote!"
"Ipinahuli na ba nila sina Padre Burgos?"
"Nang ako ay tumakas ay nag-anunsiyo ng paglilitis ang pamahalaan, ang dahilan kung bakit kinakailangan kong bumiyahe patungong Maynila, kailangan ko ng iyong tulong Cuatro, kailangan ng abogado."
"May kilala ako, sasama ako sa iyong pag-alis, tutuloy ako sa amin sa Calamba at kakausapin ang aking ama tubgkol dito."
"Sa tingin mo ay aabot tayo?" may pag-aalalang tanong ng kaibigan. Tumango siya at tinapik ito sa balikat.
"Huwag kang mag-aalala, naroon ang ating mga kasama, hindi nila hahayang mapahamak ang mbubuting prayle." ang tinutukoy na mga kasama ay ang mga kasapi ng El Comienzo na ititinatag ni Kallyra.
Tila ito nakahinga ng maluwag, nang mahimasmasan ay tumayo na ito. "Magkita na lang tayo sa malapit sa pantalan." nang makita ang kaniyang pagsang-ayon ay muli itong lumapit sa bintanang pinasukan at tumalon mula roon.
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Fiksi SejarahKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...