Pinigilan ni Kallyra ang sariling magalit upang hindi na sila magtalo pa. Itinikom niya ang bibig at nagpatuloy na lang sa paglakad."Kailangan mong humingi ng paumanhin sa kanila bukas." ang matigas nitong utos at sumunod sa kaniya sa paglalakad.
Ibinuga niya ng marahan ang pinigil na hininga at mababa ang tinig na sumagot. "Kung iyon ang gusto mo."
"Dahil yun ang dapat mong gawin." ang galit pa ring sambit nito. Hindi na lamang siya sumagot at nagpatuloy sa paglakad. Masamang-masama ang loob niya at parang naiiyak siya sa inis.
Makalipas ang ilang minuto ay narating na din nila ang tahanang tinutukoy nitong pinahiram ng isang mabait na magsasaka. Maliit lang iyon at yari sa pawid at kawayan.
It looks like those cottages in the rural areas near the beach. Maraming mga halaman, at pananim na gulay sa paligid katulad ng talong, okra, kamatis at mayroon ding mga nakabitin sa itinayong mga kahoy na may suleras katulad ng upo at kalabasa. Muka iyong green house minus the glass covers.
"Isa lang?" hindi niya mapigilang itanong sa tahimik na kasama. Ang iniisip ay baka pag-usapan sila sa barangay dahil hindi naman sila mag-asawa subalit titira sila sa isang bahay.
"What do you expect? Mabuti nga at nagmagandang loob ang may-ari ng bahay na ito na ngayon ay nakikitira sa bahay ng anak nitong may pamilya na, sa halip na magpasalamat ay nagrereklamo ka pa." sarkastikong turan nito.
Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin at hindi ako nagrereklamo."
Hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Nasa loob na ang mga gamit natin, pinadala kanina ni ginoong Fausto. Wala silang pinakialaman sa gamit mo kaya wag kang mag-alala."
"Stop putting words to my mouth Lucas!" pigil ang galit na singhal niya.
He just shrugged his shoulder, lalo siyang nainis dahil parang wala itong pakialam sa galit niya. Lumapit na ito sa munting kubo at nilampasan siya. Nakakunot ang noong sumunod siya papasok sa binuksan nitong pintuan.
Hindi mapigilang mamangha sa kasimplehan ng kubo. Yari din sa kawayan ang sahig na makintab na makintab at maging ang lahat ng mga kasangkapang naroon ay yari din sa kawayan tulad ng mga upuan at maliit na lamesa. Mayroong dalawang silid sa kanan at sa kaliwa ay may pintuang natatakpan lamang ng kurtinang yari sa mga tinuhog na kabibe. Palagay niya ay iyon ang kusina.
Pumapasok ang malamig na hangin sa bintana at maging sa mga siwang ng magkakadikit na kawayan. Lumpit siya sa isang bintanang nasa kabilang dingding. Binuksan niya iyon at itinukod ang nakatabing panukod sa gilid ng bintana. Kaagad pumasok ang hangin at isinayaw noon ang mga nalaglag niyang buhok mula sa pagkakasulapid.
Naramdamam niya ang paglapit ni Lucas sa kaniyang likod. "Naroon sa likod ng bahay ang paliguan." anito.
Tumango siya kahit naiinis pa din, hindi siya umalis sa kinatatayuan at hindi na ito pinansin. Tinatanaw niya ang mga alagang manok at baboy na malayang gumagala sa parang. Naisip niyang sa mga panahong ito ay payapa ang mga tao at hindi ka makakaramdam ng takot na baka may mga akyat-bahay o di kaya naman ay manakawan ng mga alagang hayop.
Kapansin-pansin din ang mga masayahing magsasakang indio, mababait sila at palakaibigan. Tila ay ngayon lamang siya nakaramdam ng hiya sa inakto niya kanina. Tama na naman si Lucas sa mga sinabi nito sa kaniya kanina tungkol sa masamang asal niya.
Hindi niya napapansin ang masamang ugali niya dahil wala namang pumupuna ng mga iyon noon at pawang mga papuri lamang ang kaniyang naririnig sa mga kaibigan at kakilala. Subalit ngayon ay paulit-ulit iyong sinasampal sa kaniya ni Lucas. She never realize she was this ugly.
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Historical FictionKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...