Capítulo Cuatro

283 15 2
                                    

   
   
        Meron ng ngiti sa kaniyang labi na sumakay sa kalesang inupahan upang agad na makabalik. Sa loob ng umuuga-ugang sasakyan ay hindi mawaglit sa isip ang kagandahan ng dalaga, mali siya ng inakala, may hawig man ito sa kaniyang dating kasintahan ay higit itong maganda. 

             Kahapon ng makita niya itong tumatakbo at hinahabol ng guwardiya sibil ay para itong isang diwata, nakalugay ang mahaba at alon-along buhok na kulay kayumanggi na nagkukulay ginto sa sinag ng araw, maputing maputi ang balat na parang sa mga babaeng pranses subalit mas pino at makinis tingnan.

              Sa tuwing malapit ito sa kaniya ay parang humihinto ang tibok ng kaniyang puso at parang hinihigop nito ang kaniyang hininga sapagkat kinakapos siya, nawawala ang kulay ng paligid at bumabagal ang kilos ng lahat, tanging ito lamang ang matingkad at makulay sa kaniyang nakikita. Sa tingin niya ay may mahika ang dalaga sapagkat hindi pa kailanman niya naramdaman ang mga nakakaliyong pakiramdam na ito.

             Subalit tila hindi niya magawang lumayo dito, nais niyang samahan ito sa mga nais nitong puntahan, nais niyang maging ligtas ito sa mga gwardiya sibil, naiintindihan niya ang pagiging rebelde nito subalit hindi niya gusto ang paraan nito ng pagsuway sa batas, isang delikadong daan ang tinatahak nito at sigurado siyang kapahamakan at kamatayan lamang ang maari nitong patunguhan.

             Humugot siya ng malalim na hininga, nakapagpasya na siya, kahit pa napakasungit at nakakainis ang dalaga ay sasamahan niya ito at tutulungan. Naramdaman niyang huminto ang kabayo maging ang kanilang sasakyan. Malawak ang ngiting bumaba siya at agad nag-abot ng bayad sa kutsero. Nagmamadaling pumasok sa gubat patungo sa malaking puno ng akasya. 

              Ngunit wala roon ang masungit na babae, agad ang pagkalat ng lungkot sa kaniyang dibdib. Luminga-linga siya at umasang naroon lamang ito sa paligid, subalit ni anino nito ay hindi niya nakita pawang ang pagsayaw ng mga dahon ang kaniyang nakikita,

             Ang matitinis na huni ng mga ibon ang kaniyang naririnig.

             Ang mabining simoy ng hangin ang kaniyang naramdaman at kahungkagan. May galit na pumuno sa kaniyang dibdib. Bakit hindi man lang ito nagpaalam.

       Kallyra sunddenly awaken by the sounds of footsteps, nagmamadali iyon at huminto sa tapat ng kinahihigaan niyang puno, si Lucas. She felt tired at naisipan niyang maidlip ng kaunti habang hinihintay ang madaldal na lalaki, but she cannot afford to sleep at the ground, maliwanag ang paligid at malapit na malapit siya sa bungad ng gubat, hindi niya isusugal ang sariling mahuli ng mga sundalo, hindi man siya sigurado kung may mga sundalo nga sa paligid ay mas gusto niyang makasiguro.

            Pinagmasdan niya ito habang tarantang paikot-ikot sa paligid ng akasya, matapos ang ilang sandali ay bigla itong huminto pahina ng pahina ang kaninang mabilis na paggalaw ng balikat. Pinagmasdan niya ang pagkuyom nito ng palad at ang paninigas ng katawan, he looks angry.

             "Bakit ngayon ka lang?" tanong niya. Parang mapipigtas ang ulo nito sa marahas na paglingon sa likod, tumingin din siya sa nilingon nito, ng walang makita ay nagpalinga-linga ulit ito. "Nandito ako sa taas." Aniya.

              Tumingala ito, now he looks shocked. "Anong gingawa mo diyan Señorita!" malakas at na-eeskandalong tanong nito.

             "Shhh.. wag kang maingay!" asik niya at tumalong parang pusa upang makababa.

              "İTen cuidado señorita por favor!" Mag-ingat ka senyorita pakiusap! Ang nahintatakutang bulalas nito. She landed with grace, walang tunog at hindi man lang natumba, isang dipa lamang ang layo sa kinatatayuan ng binata.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon