Capitulo Sisenta y otso

104 5 4
                                    


      "What are you talking about? Of course I'm Lucas. Who else could I be?" kunot-noong tanong nito. May bahagyang pagtataka sa gwapo nitong muka.

       "I don't know.." she shrugged her shoulders. "Maxwell, maybe?" tanong niya sa nanunuring tinig.

      He suddenly went stiff and his body became tense. His face pale and his eyes widened in surprise. Bumukas at sumara ang bibig nito na tila isdang nawala sa tubig.

     "Your mouth slipped last time. You don't expect I'll just shrugged it off right?"

      Matagal-tagal din siyang nag-isip tungkol sa bagay na ito na gumugulo sa kaniyang isipan simula pa noong muli silang magkita. The changes in him was glaring. Although she tossed the doubt at the back of her mind, but recently clues keep filing up. And now she was almost certain.

      "Ikaw si Maxwell, hindi ba?" tiim ang labing tanong niya. "I saw your wounds heal faster than normal when you were beaten up." ang tinutukoy niya ay ang nangyari sa tahanan ng kabesa de baranggay. Maraming pasa at sugat ang lalaki sa muka subalit napansin niya ang mabilis na paghilom noon, hindi iyon makakalampas sa mapanuri niyang mata.

    Only the age- freezing drug can do that to human bodies. At ang mga taong naging sakay lamang ng Andromeda ang maaaring maturukan ng miracle drug na iyon.

      Nanatiling tahimik ang lalaki subalit hindi nito iniwas ang mata. Mataman itong nakatitig sa kaniya na para bang binabasa ang laman ng kaniyang isipan. Nakakuyom ang kamao nito at nakatiim pa din ang mga labi. Nararamdaman niya ang makapal na tensyon sa pagitan nila. Nananakal, nakakalunod at nakakatuliro.

       Matagal silang nagpalitan ng malamig na titig at binalot sila ng nakabibinging katahimikan hanggang sa lumipas ang mahabang sandali at tila wala ni-isa sa kanila ang nais bumasag noon.

      Ang mga mahihinang kahol ng kanilang mga aso, huni ng mga ibon sa paligid, ang tunog ng pagkahig ng manok sa malambot na lupa, ang malayong iyak ng mga baboy sa parang at maging ang musikang dala ng hangin ay patuloy na pumapasok at lumalabas lamang sa kanilang pandinig.

       "I told you, susunod ako kung saan ka man magpunta." ang sinabi nito ang bumasag sa makapal na tensyon sa pagitan nila. Malalim at matigas ang pagkakasabi nito na walang halong takot o pag-aalinlangang malaman niya ang katotohanan.

       Isa pang tinig ang narinig niya sa kaniyang isipan. Tinig ng isang lalaking nasa ibang lugar at ibang panahon.

      "Then I'll come with you. I'll follow you wherever you goes..."

        Pakiramdam ni Kallyra ay may malakas na pwersang bumundol sa kaniya, nanlambot ang kaniyang tuhod at napaatras siya at muntikang matumba.

       Ang sinabi nito ay nagpapatunay lamang na tama ang kaniyang hinala. Mariin niyang pinikit ang mainit na mata. She press her closed fist to her throbbing chest, she can't breath, binuka niya ang bibig upang suminghap ng hangin.

     'What happened to Lucas?'

     'Nasaan na siya ngayon?'

    'They can't exist in the same world right?'

        Her eyes starting to water. Ang mga tanong na iyon ay unti-unting dumudurog sa kaniya. Suninghap siya ng panibagong hangin. Naramdaman niya ang paglapit ng binata subalit hindi siya umiwas sapagkat kailangan niya ng makakapitan. She was shaking.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon