“The best way to a lady’s heart is through her kuya?”
—❇️—
EVIE
Dahan-dahan akong kumatok sa kwarto ni kuya. “Kuya, can I come in?” tanong ko at patuloy akong kumatok. Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si kuya.
“Bakit?” tanong niya. Agad siyang tumalikod sa akin at pumasok sa loob kaya pumasok na ako. Dumiretso siya sa walk-in closet niya at pumasok dito. Napabuntong hininga ako at saka ako sumunod sa kanya papasok sa walk-in closet.
“Kuya, may favor lang sana ako sayo,” dirediretso kong sabi. Agad din namang lumabas si kuya sa walk-in closet niya dala-dala ang ilang gamit at naglakad papunta sa kama. Inilapag niya ang ilang damit at saka siya napatingin sa akin.
“Ano yun?” tanong niya. Naikunot ko ang noo ko nang makita ko ang maleta ni kuya sa ibabaw ng kama niya. Nag-iimpake siya. May lakad ba siya? Kakauwi niya lang kanina ah, aalis na naman siya?
“Saan ka pupunta kuya?” Lumapit ako sa kama niya at tiningnan ang laman ng maleta niya. Hindi lang iilang gamit ang dala niya dahil ang dami ng inimpake niya.
“May taping kami sa france,” sagot niya. Tumabi siya sa akin at ipinagpatuloy ang pag-iimpake. Namilog ang mga mata ko. France? Ang layo nun ah!
“Kailan ka aalis?”
“Bukas. Until next friday ako doon.”
“So one week ka doon?” Ang tagal naman nun.
“Guess so. So, ano ba ang kailangan mo?” Kailangan ko? Ah! About doon sa pinag-usapan namin ni Vin ang favor na tinutukoy ko. Pero huwag nalang, aalis pala siya eh.
“Sa susunod nalang kuya, aalis ka eh.”
“Eh ano ba iyon?” Naupo ako sa kama ni kuya at agad na napayuko.
“Tungkol doon sa problema ko,” nahihiya kong sabi. Napabuntong hininga si kuya at naupo din siya sa tabi ko.
“So, anong tungkol doon?” Napatingin ako sa kanya. Malungkot din ang mukha niya na tulad ko.
“Eh kasi kuya, nasabi ko na sa mga kaklase ko ang totoo. Kaso, walang naniwala sa akin eh,” malungkot kong sabi. Naiiyak tuloy ako. He heave another deep sigh.
“So, ano ang plano mo?”
Inalala ko ang mga sinabi ni Vin sa akin. Kung maisasama ko sina mommy sa school at maipapakilala sa mga kaklase ko ay baka maniwala na sila. Pero hindi ko pa kasundo sina mommy kaya hindi ako makakahingi ng tulong sa kanila.
“Kung pwede po ay sumama kayo sa akin sa school.” Kung hindi pwede si mommy at daddy, then si kuya nalang ang isasama ko.
“Ako? Bakit naman?”
“May nag-advice kasi sa akin na ipakilala kita sa kanila personally para maniwala talaga sila. Alam mo iyong ‘To See is To Believe’?”
“Si Vin?” Naikunot ko ang aking noo sa sinabi niya.
“Po?” Ano naman ang meroon kay Vin at napasok siya sa usapan namin?
“Siya ang nag-advice sayo, diba?” nakangiti niyang sabi. Namilog ang mata ko dahil doon. Paano niya nalamang si Vin ang nag-advice sa akin? Nahulaan niya ba? Fortune teller lang ang peg ni kuya?
Sumimangot ako. “Bakit? Si Vin lang ba ang pwede mag-advice sa akin?” tanggi ko. Kukulitin na naman kasi ako nito kapag inamin kong siya nga ang nag-advice sa akin.
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...