Chapter 11 | My Prince

458 16 0
                                    

EVIE

Kahit na hindi pa ganoon ka okay ang pakiramdam ko ay pumasok pa rin ako sa school. I really don’t want to miss anything lalo na’t exams are coming really fast. Kaya kahit na may sakit pa rin ako ay pumasok na ako sa school.

When I reach our classroom ay sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko. Pinaikutan pa nila ako as they asked me lots of questions. Nagulat pa ako nung una dahil akala ko ay may nangyari nang masama.

“Evie are you ok?” tanong ni Rosella. Inilagay niya pa sa noo ko ang kamay niya to check my temperature. Mabilis ko namang hinawakan ang kamay niya at tinanggal ito sa pagkakalapat sa noo ko.

“May masakit pa ba sayo?” tanong naman ni Ezzia. Napangiwi ako dahil sa mga tanong nila. I’m doing fine, they don’t have to overreact.

“Bakit ka pumasok?” Tredith asked at sabay pa na bumuntong hininga. Ngayon ay napangiti na ako. I think they’re just concerned about me.

“Anong nangyari sayo kahapon?” Jemy asked. Nakataas pa ang kilay nito at seryoso akong tiningnan.

“Bakit hindi mo kami tinawagan o tinext man lang?” Airyl said as she held my arms. Nginitian ko nalang sila. Hindi ko inaasahang mag-alala sila nang ganito sa akin. It’s kinda creepy pero nakakatuwa ang mga reaksyon nila. It’s kind of sweet too.

“Girls, chill! I'm fine,” I said to silence them. Sabay pa silang napabuntong hininga at seryoso akong tiningnan.

“We’re sorry. Sobra lang talaga kasi kaming nag-alala sayo kahapon,” nakasimangot pang sabi ni Leilyn. I smiled to her widely.

I’m really blessed to have them as my friends. They are sometimes a pain in the ass lalo na't ang kulit nila, but they are always there for me when I needed help. I can always count on them in everything I want to do, mahirap man iyon o madali. They alwyworry about me kahit na kasama ko lang naman sila palagi. They are my companions, my teachers, my sitter, my bestfriends, and I also consider them as my sisters.

“Okay na ako, you don't have to worry,” sabi ko. Kahit na may sakit ako ay kinakaya ko naman ang lahat. I may look fragile but I’m definitely tough. Matigas ako kahit na hindi ako ganoon kalakas.

“Eh paano bang hindi ka magiging okay? Si Javen kaya ang nag-alaga sayo.” Natigilan ako at agad akong napalingon kay Rosella matapos niya iyong sabihin. Namilog pa ang mga mata ko dahil sa gulat.

“Rosella!” I said to hush her up.

Kailangan ba talagang sabihin niya iyon? Nag-eenjoy pa nga ako sa ibinibigay nilang pag-aalala sa akin dahil sa nangyari sa akin kagabi, tapos ngayon ay ini-stress niya na naman ako about diyan kay Javen. And for their information, hindi naman si Javen ang nag-alaga sa akin. Technically ang doctor naman ang umasikaso sa akin nung inatake ako. Uhm... well Javen did his part as well as ate Ledy and Baille.

“ANO? SI JAVEN? WOAH!” gulat namang pahayag ni Jemy. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. She can act surprised pero hindi niya na kailangang lakasan ang boses niya. Nakakahiya!

“Sssh...” I hushed them by putting my index finger in my lips. “Girls naman! Tinulungan niya lang ako.” Parang hindi naman gagawain iyon ng iba kung sila ang nasa posisyon ni Javen. Anyone would help me kung sila man ang kasama ko kagabi, I’m sure they’ll do the same.

“Weh, di nga?” said Ayril. Napasimangot ako sa kanya. Tss! ’Di huwag silang maniwala, pinipilit ko ba sila?

Napabuntong hininga ako at dumiretso na ako sa upuan ko. “Tama na nga iyan.” I don’t want to talk about this anymore.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon