Chapter 32 | The Haunt of The Past Love

320 16 0
                                    

EVIE

Napabuntong hininga ako. Wala akong ganang maglakad dahil sa ginawa ni Rosella. Hindi kasi niya kami tinantanan ni Vin hanggang sa hindi niya kami napapasama sa kanila ni Javen. Hinintay talaga ni Rosella na dumating ang mga kaklase namin ni Vin at ipinagpaalam kami na sasama sa kanila.

At first ay hindi agad umoo si Roulo. Well, I am part of the props committee kaya hindi talaga ako basta-basta pwedeng umalis. Pero grabe talaga kasi ang pangungumbinsi ni Rosella kaya napapayag niya rin ito katagalan.

"O sige, papayagan ko sila pero kailangan pa rin nilang tumulong. Kailangan nilang mabili ang mga nakasulat dito," ani Roulo na inabot pa kay Rosella ang kalahati ng listahan ng mga bibilhin namin. "Hinati ko nalang ang bibilhin. Make sure na mabili ninyo itong lahat, okay?" dagdag ni Roulo habang nakaharap sa akin pero si Rosella ang tumango na para bang siya kami. Napatango nalang ako. "Kayo na rin ang bahalang magdala niyan sa lunes," Roulo continued at muli akong tumango.

"Okay, no problem," patango-tango pang sagot ni Rosella. Napabuntong hininga nalang ako. Si Rosella na kami! Ang lakas ng loob niyang maka-okay, para namang siya ang bibitbit ng mga pamimilhin namin.

"Ok," Roulo said and he gave us a satisfied smile. Nagpaalam na ito sa amin at saka siya sumunod sa mga kaklase namin. Sumunod din nga si Vin sa kanila pero agad siyang pinigilan ni Rosella.

"Teka!" pagpigil ni Rose sa kanya. Hinabol pa niya ito at hinawakan sa braso. Napahinga nalang ako nang malalim. Bakit niya pa kasi dinadamay si Vin?

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Vin. Napangiti lang naman si Rosella sa kanya.

"Diba sasama ka sa amin?" ani Rosella na hindi maalis ang ngiti ngayon sa kanyang mga labi. Ano na naman kaya ang pinaplano nito?

"Ha? Naku! Hindi na, kayo nalang," mabilis na pagtanggi ni Vin sa kanya. Kahit na ako ay tatanggi rin ako. There are better things to do that loiter around.

Napasimangot naman agad si Rosella. "No, hindi iyan pwede. Ipinagpaalam ko na kayo ni Evie sa mga kaklase niyo kaya dapat ka ring sumama sa amin. Tsaka, magiging awkward para kay Evie kung si Javen lang ang lalake, kailangan niya ng date," ani Rosella na naging dahilan nang pagtaas ng kilay ko at pamimilog ng mga mata ko. Wait! DATE? Anong date? Magdo-double date ba kami? Rosella is really crazy!

Diretso akong napatingin kay Vin to see his reaction. Napatingin din siya sa akin and he gave me this awkward smile. I also smiled to him awkwardly. Nakakahiya talaga itong si Rosella, idinadamay pa talaga niya ang inosenteng si Vin.

"And kaya mo bang iwan kay Evie lahat ng nandito?" ani Rosella na itinaas pa ang hawak niyang listahan na ibinigay ni Roulo. Napailing nalang ako. Ang lakas talaga nitong mangunsensya.

"Sige na please," dagdag niya na may kasama pang puppy eyes. Napahinga nalang ako nang malalim. Saludo na talaga ako sa kanya. Ano kaya ang sekreto nitong si Rosella? Mabilis kasi niyang napapapayag ang mga tao sa gusto niya. May magic ba siya?

And now, nadamay nga kami ni Vin sa mga kalokohan nitong si Rosella. Walang na ring nagawa si Vin kung 'di ang sumama nalang sa amin.

Naglakad lang kami sa mall. Sina Rosella at Javen ang nasa unahan namin at kasalukuyang may pinag-uusapan ang dalawa na sa kasamaang palad ay hindi ko marinig. Napatingin nalang ako sa mga store na nadadaanan namin pero napahinto ako nang bigla nalang lumapit si Rosella sa amin ni Vin.

Hinawakan niya ito sa braso at saka ako tinulak papunta sa pwesto niya kanina, doon sa tabi ni Javen. Muntikan na nga akong mapasubsob sa sahig pero mabuti nalang talaga at nahawakan ako ni Javen.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon