"Kung kailan nawala ang isang bagay sayo ay doon mo palang malalaman ang tunay na halaga nito-ang halaga nito sayo at pati na sa buhay mo. "
-❇️-
EVIE
Inabot na ng hapon ang festival sa school namin pero maaga palang ay nagsiuwian na ang mga estudyante na walang sinalihang event. Umuwi na nga rin sina Jemy pero ako at si Rosella ay nagpaiwan pa dito sa school. Inabutan na kami ng hapon dahil sa nagvolunteer pa kami na tumulong sa pag-aayos after the festival. Marami din kasing inutos sa amin ang mga teachers namin kaya mas natagalan pa kami. Pinaayos kasi nila sa amin ang mga artworks na ginawa ng mga students na sumali sa contest kanina.
"Evie." Napalingon ako kay Rosella nang tinawag niya ako. Abala pa kaming inaayos ang mga artworks na pagpipilian pa for winners. Nasa isang table ako malapit sa may pinto at siya naman ang nag-aayos sa mga poster na ilalagay sa shelves.
"Bakit?" tanong ko. Ibinaba ko muna ang canvas na hawak ko para maayos ko siyang matingnan.
"Magpahinga ka na lang muna!" She gave me a concerned look kaya napahinga ako nang malalim. They always do that kapag sa tingin nila'y marami na akong ginagawa. Pero kung ok lang talagang magpahinga ay kanina ko pa iyon ginawa. Nagsisimula na rin kasi akong mapagod. Pero hindi ko naman kasi pwedeng iwan si Rosella dito na mag-isang nag-aayos, sigurado rin namang napapagod na din siya.
"It's fine, ok pa naman ako eh," I lied. Napabuntong hininga ako. My lies is making me feel really uncomfortable. Ang totoo naman talaga ay pagod na talaga ako pero ok na ito kesa iwanan ko naman si Rose ditong mag-isa. Tsaka malapit na rin naman itong matapos, kaya ko pa ito.
"Pero mukhang pagod ka na eh," aniya. I gave Rose a smile.
"Ok lang ako. Don't worry," I tried to convince her pero kinunutan lang niya ako ng noo. She really knows me.
"Sige na Ev, baka atakihin ka na naman niyan. Huwag nang matigas ang ulo at kung pwede ay umuwi ka nalang." Seryoso ko siyang tiningnan. Uuwi? Eh kung uuwi ako paano siya? Parang unfair naman ata iyon for Rose.
"Pero paano ka?" I can't leave her alone.
"Sasabay na ako kay tita. At tsaka konte nalang naman ito, kaya ko na itong ayusin." Napahinga ako nang malalim. Ok! Uuwi na nga lang ako, medyo nahihilo na rin kasi ako. Pagod na nga talaga ako.
"O sige na nga. But are you sure na ok ka lang na mag-isa?" Hindi talaga ako mapalagay na iwang mag-isa dito si Rosella.
"Evie..." Tiningnan niya ako nang diretso sa mata at sabay na inilingan. Napasimangot nalang ako.
"Oo na!" pagsuko ko. Mukhang hindi ko na talaga mababago ang isip ng isang 'to.
"Don't worry Evie, I'm fine. Sayo nga ako mas nag-aalala eh." Hinawakan niya ang mga kamay ko at dahan-dahan itong hinaplos. "Umuwi ka na, huwag nang matigas ang ulo. Ok?" Sinimangutan ko siya pero napatango na rin ako. Kung hindi ko lang talaga ito love ay kanina ko pa ito binatukan, ginagawa niya kasi akong bata.
"Okay," sagot ko nalang. Napatayo na ako at saka ko niligpit ang mga inaayos kong artwork. Inilagay ko lang ito sa isang box at saka itinabi sa gilid, si Rosella na ang bahala nitong magpasok sa cabinet. Bago ako tuluyang lumabas ng art room kung saan kami nag-aayos ay nilingon ko muna si Rosella.
"Bye Rose. Text me if nakauwi ka na." Nilapitan ko muli siya and I kissed her cheeks. Napangiti naman ito at nakipagbeso na rin sa akin.
"Bye Evie," aniya and she hugged me tightly. "Mag-ingat ka sa pag-uwi and don't forget to call me when you get home. Okay?" Tumango ako at saka nag-ok sign pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...