Chapter 28 | Please

320 12 0
                                    

EVIE

A week has past mula nang ginanap ang Graduation Ball namin. At ngayon ay malapit na talaga ang araw kung saan gaganapin ang graduatin namin. Syempre malapit na rin ang entrance exam namin for college. Everyone is busy reviewing for their upcoming exams.

Tahimik akong naupo sa stool sa kitchen habang si kuya ay abala namang kumakain. It is 2 in the afternoon and we are having our afternoon snack pero si kuya lang ang kumakain.

"O, anong problema?" agad niyang tanong nang mapansin niyang nakabusangot ako. Tiningnan ko siya and I heave a deep sigh.

"I have a problem." Naikunot niya ang noo niya at agad niyang itinuon sa akin ang buong atensyon niya. I heave another deep sigh. "Gusto ko po sanang mag-aral ng college sa ibang university," nakayukong saad ko.

"Sa ibang university? Ayaw mo ba sa Newman?" seryosong tanong niya. Napabuntong hininga ulit ako. This problem is really stressing me out.

"Hindi naman sa ganoon kuya. Mahal ko ang Newman lalo na at doon na ako nag-aral since preschool. Alam mo namang mahirap iwanan iyong nakasanayan mo na pero gusto ko rin kasi sa school na ito," buo sa loob kong sabi. Magmula nang magsimula kaming mag-isip tungkol sa college ay nagsimula rin akong ma-curious sa iba't-ibang university. I've done my research about the different universities here in our city and one certain university caught my attention.

"Eh, anong school ba itong tinutukoy mo?"

"Sa El Miranda University po." Namilog ang mga mata ni kuya nang sabihin ko iyon.

"Ano? Sa EMU? Bakit doon?" Nabitawan ni kuya ang hawak niyang tinidor at hinarap ako. "You know it's a state university. Mommy will never let you go there," dagdag niya.

"Oo kuya, it's a state university. Pero alam mo namang kahit State University ang El Miranda ay lagi itong nasa top, diba?" There are lots of State Universities in the country pero hindi pamilyar ang iba lalo na't hindi ito nasasali sa list ng top universities. El Miranda University is different from the rest lalo na't ilang consecutive years na itong nasa list ng Top 10 Most Outstanding Universities in the Country.

"Oo, I know that certain fact. But, do you think mom will let you enroll there?" Napabuntong hininga na naman ako ulit. Ito na nga ang pinoproblema ko. Knowing my condition ay tiyak na hihindian ako ni mommy, alam niya kasing wala magbabantay sa akin doon.

"I hope so-" Kahit na halata na ang magiging desisyon ni mommy ay umaasa pa rin akong papayag siya.

Alam ko namang hindi talaga siya papayag na doon ako papasok. Unang-una ay sa kadahilanang walang magbabantay sa akin doon, walang magmomonitor sa pag-inom ko ng gamot at walang magbabantay sa mga activities na gagawin ko.

Sa tingin ko ay isa din sa magiging dahilan ni mommy ay ang hindi kagandahang facilities ng EMU. Kung ikokompara mo kasi ang facilities ng El Miranda sa Newman ay nangungulilat talaga ang EMU. Mainit sa EMU lalo na't masyado itong malaki and I heard that each class only shares two ceiling fans. Luma rin ang mga buildings at facilities doon, at sira-sira pa ang iba. At kung sa tuition naman ang pagbabasihan ay mas mura sa EMU, triple nga ang tuition sa Newman kesa sa EMU.

Hindi man maganda ang EMU pero ang way of teaching nila ay hindi mo maipagkakailang mas nakakaangat sa iba. Hindi ko sinasabing hindi maganda ang pagtuturo sa Newman. Sa katunayan nga ay parehong kilala ang Newman University at El Miranda University for exellency. Pero may iba kasi talaga sa EMU na gusto kong dito mag-aral.

Sa list of Colleges and Universities, ang Newman at El Miranda ang nagcocompete sa top position. Madalas na nag-aabot sa mga competition ang dalawang school kaya kilala ito bilang rivals. Magkaiba man ang dalawa pero both school have the same quality in teaching, a 'high quality'.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon