"There's no joy without sadness."
"Mararamdaman mo na pinakamasaya ka sa oras na nasaktan ka na at nalungkot ka na ng sobra."
-❇️-
EVIE
Bukas na ang uwi ni kuya at bukas na rin ang plan kong ipakilala siya sa mga kaklase ko. Kinakabahan na nga talaga ako eh. Ano kaya ang mangyayari kapag nakilala na nila si kuya? Pero okay lang, kakayanin ko ito.
🎶~God gave me you
to show me what's real
There's more to life
than just how I feelAnd all that I'm worth
is right before my eyes
And all that I live for
though I didn't know whyNow I do,
'cause God gave me you~🎶Napahinto ako when my phone rang. Pinalitan ko na ang ringtone ko. After kasi akong kantahan ni My Prince ng 'God Gave Me You' ay ito na ang naging favorite song ko.
Nakangiti kong kinuha ang phone ko at sinagot ito. "Hello?" bungad ko sa tao sa kabilang linya.
("Ev!") Natigilan ako at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si kuya pala.
"Kuya? Bakit po kayo napatawag?" kunot noong tanong ko.
("Sorry!") agad niyang sagot na nagpatulala sa akin.
"Ha?" Bakit siya nagso-sorry?
("Hindi ako makakauwi bukas. May changes kasi sa plan. I'm so sorry.") Napalunok ako para pigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"Okay lang yun kuya. Eh kailan ka ba makakauwi?"
("Maybe next week. Sunod-sunod kasi ang taping and interviews kaya hindi pa ako agad-agad makakauwi.") Napahinga ako ng malalim. My plans are ruined.
"Alam na ba ito nina mommy?" malungkot kong tanong.
("Oo, tumawag ako kagabi. Sorry talaga Ev.")
"Huwag ka ngang magsorry kuya. Okay lang talaga!" pagsisinungaling ko. Ayaw ko namang mag-alala si kuya lalo na at may ginagawa siy ngayon, baka madistract ko lang siya.
("Don't worry, babawi ako pag-uwi ko. Bakasyon tayo nina mommy.") I nod kahit hindi niya ako nakikita.
"Okay!" nakangiti ko nang sagot. Saglit na natahimik si kuya bago siya nagtanong ulit.
("Okay ka lang ba talaga?") I breathe deeply. Biglang bumigat na naman ang loob ko.
"Miss na kita kuya," mangiyak-ngiyak kong sabi.
("Hindi pa rin ba kayo okay nina mommy?")
"Mmm...miss ko na nga rin sila."
("Evie!") His voice is full of concern. Nakakaiyak lang tuloy lalo.
"Sana kuya andito ka nalang para may kausap ako lagi," sabi ko dahilan para tuluyan nang pumatak ang mga luha sa mga mata ko.
("Evie.") After no'n ay inoff ko na ang phone ko. Hindi ko na napigilang umiyak nang sobra. Hindi ko na nga pinatapos si kuya dahil sobrang bigat na talaga ng nararamdaman ko.
Miss ko na talaga sila. Kahit na andyan lang sila ay para naman silang wala. I miss our usual sweetness, yung kulitan, tawanan at-nakakamiss lang talaga sila. Sana lang ay matapos na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/14467047-288-k9500.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...