"Someone will come for you in the right time and in the right situation. Just learn to be patient and wait."
-❇️-
EVIE
Pagkatapos naming mabili ang mga teddy bears namin ni Rosella ay nag-arcade naman kami. Marami kaming nilaro at palagi pa nga akong natatalo ni Rosella. Ang dami na niyang nakuhang prizes pero mabuti nalang talaga at nandiyan si Vin para tulungan ako. He's the one who helped me win against Rosella sa isang nilaro. Nakakuha pa nga ako ng isa pang teddy bear bilang prize nang manalo kami sa isa namang game na nilaro namin.
By six in the evening ay naisipan na naming lumabas sa arcade. Hindi kasi ako pwedeng magpagabi pati na rin si Rosella. And since nagcocommute lang ako ay kailangan ko na rin umuwi ng maaga.
"Evie, icecream?" tanong ni Rosella nang may madaanan kaming ice cream store.
"Icecream?" Napatingin ako sa store na tinuturo ni Rosella. I smiled slightly. Yeah, mahilig talaga ako sa ice cream lalo na kapag vanilla.
"Bili tayo!" masayang sabi ni Rosella at hinila-hila ako. Napangiti nalang ako and I nod slowly.
"Okay." Rosella smiled at hinila na niya ako nang tuluyan. Lumapit kami sa store at nagdire-diretso kami sa babaeng nagbabantay.
"One vanilla ice cream and one rocky road flavored ice cream please!" she said. Nag-scoop din naman agad ang tindera at ibinigay sa amin ang order naming ice cream.
"Ito po ang bayad!" Napatingin kami kay Vin nang nag-abot siya ng bayad sa babae.
"Kami na Vin!" pigil ko sa kanya. Umiling naman din agad siya.
"Huwag na!" aniya. "Kanina niyo pa ako nililibre kaya kahit ito lang sana ay ako na ang magbayad." Napangiti pa siya sa amin ni Rosella kaya nagkatinginan kami ni Rose. Aayaw pa nga sana talaga ako pero mukhang sigurado talaga siya sa sinabi niya. Napatango nalang kami ni Rosella.
"Ok. Salamat ah!" sabi ko at nginitian ko pa siya.
"Salamat Vin," pasalamat din ni Rose sa kanya. Nginitian niya kaming pareho ni Rosella at sabay na tinanguan pa.
After naming bumili ng icecream ay naisipan na naming umuwi lalo na at gumagabi na rin. May curfew pa naman ako kaya bawal akong umuwi nang matagal.
Nagdirediretso na kami papunta sa baggage counter kung saan namin iniwan ang mga pinamili naming school supplies kanina. Nang makuha namin iyon ay agad na kaming lumabas ng mall.
"Sumabay nalang kayo sa amin," pag-aaya ni Rose sa amin kaya nilingon namin sila ni Javen. "May dala namang sasakyan si Javen," dagdag niya pa. Napatingin ako kay Vin to see kung ano ang sasabihin niya pero simple lang rin itong napatingin sa akin. Nilingon ko nalang ulit sina Rosella at saka ako napailing.
"Hindi na siguro Rose. Mag-cocommute nalang kami," sabi ko dahilan para maikunot nang bahagya ni Rosella ang noo niya.
"Are you sure?" tanong naman ni Javen. I smiled to the both of them at sabay pang nagthumbs up.
"Yeah!" I answered. "Tsaka, kailangan pa kasi naming hatiin itong mga school supplies na dadalhin namin sa monday. Mauna nalang kayo," dagdag ko. Napanguso pa si Rosella pero tumango naman ito.
"Okay," nakasimangot na sabi ni Rose. Humarap naman siya kay Vin na nakatayo lang sa tabi ko. "Vin, ingatan mo yang si Evie ah," bigla nitong sabi na dahilan para maikunot ko ang aking noo. Bakit niya iyon sinabi? Ano bang iniisip ng isang 'to?
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...