CHAPTER 57: CHAT ℹ️

225 8 0
                                    

EVIE

Umalis kami ng resort bandang 5 ng hapon. Bago kami umuwi sa amin ay dumaan muna kami sa school na una naming pinuntahan noong sinimulan ang SLP, may kukunin daw kasi kaming souvenirs doon. Bandang 6 PM na kami bumyahe pabalik sa El Miranda kung saan hinintay ako nina yaya Cia at manong Trex para sunduin.

“Trex, pakidala nalang sa kwarto ni Evie ang mga gamit niya,” sabi ni yaya nang dumating na kami sa bahay. Manong Trex is unloading my things from the trunk at tinulungan naman ako ni yaya na dalhin ang souvenirs na dala ko from SLP.

“O sige po,” sagot ni manong. Binuhat niya ang mga bagahe ko at pumasok na ng bahay.

“Hija!” tawag pansin ni yaya sa akin. Tahimik lang kasi akong nakaupo sa sasakyan habang sinisilip ang loob ng bahay. “Pasok na tayo,” aniya. Tumango naman ako.

“Ok po ya.” Kinuha ko ang shoulder bag ko at saka ako lumabas ng kotse. Nang pumasok si yaya sa loob ay sumunod naman ako. Napahinto ako sa may sala at saka ko ito tiningnan. Tahimik ito, aakalain mong walang nakatira dito at ito’y abandunado. Nilingon ko ulit si yaya at saka ako nagpaalam sa kanya.

“Ya, aakyat muna po ako sa kwarto. Magbibihis lang ako,” malungkot kong sabi. Staying in the quiet living room is just giving me stress. Tiningnan ako ni yaya at saka nginitian.

“O sige hija,” sabi niya sabay tango. “Tatawagin nalang kita kapag dinner na.”

“Ok po,” sagot ko naman at tinanguan ko rin siya. Nginitian ako ni yaya kaya dirediretso na akong pumanhik sa kwarto ko. The silence in this house is really giving me headaches and heartaches. Nang pumasok ako dito ay bigla ko nalang nakalimutan ang sayang naidulot sa akin ng SLP. Nasaan na ba kasi sila mommy at daddy? Nasa work pa rin ba sila? Si kuya, hindi pa ba siya nakauwi? Hindi ba nila hinihintay ang pag-uwi ko?

I breathe deeply bago ko binuksan ang pinto ng kwarto ko. Pagpasok ko ay agad akong naupo sa kama ko. Kinuha ko ang phone ko at saka ko binuksan ang gallery, agad namang lumitaw ang mga pictures na kinuha namin from the SLP. Ang saya-saya namin sa mga pictures, we really did enjoy the SLP lalo na ang culmination program. Kahit na napagtripan pa ako ng mga kaibigan ko ay nag-enjoy talaga ako.

Nalaman kong matagal na palang nasabi ang tungkol sa search for Mister and Miss Science. First day palang ng SLP ay na-announce na ito pero hindi nga lang umabot sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ako na-inform tungkol dito. Napagkaisihan din naman ako ng mga kagrupo ko at hindi talaga ito pinaalala sa akin.

Nalaman ko na para manalo sa contest na iyon ay kailangan mong makuha ang pinakamaraming votes from the students. Para manalo ako ay kinasabwat ng mga kaibigan ko ang ibang grupo para ako ang iboto. Hay naku! Pinataas pa nila ang expectations ko. Akala ko pa naman kaya ako nanalo ay dahil sa nagagandahan talaga ang mga students sa akin, iyon pala ay dinaya lang nila ang labanan.

Ibinaba ko na ang phone ko at saka ko inilibot ang aking tingin sa buong kwarto. Kanina lang ay nasa resort pa kami where I can see the white sand, the blue sky and the clear blue sea, pero ngayon ay nasa bahay na ako—ang tahimik na silid nalang ang nakikita ko. Ang bilis talaga ng oras, all the enjoyment I felt a while ago are now all gone, sadness are now drowning me.

I heave a deep sigh saka ko ulit tiningnan ang mga pictures na kinuha namin kanina. Ang kukulit ng mga kasama ko dito. Hindi ko talaga inakalang magiging ganito kasaya ang SLP.

🎶~God gave me you
to show me what’s real
There’s more to life
than just how I feel

And all that I’m worth
is right before my eyes
And all that I live for
though I didn’t know why
Now I do,
’cause God gave me you~🎶

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon