Chapter 23 | Joiner

340 18 0
                                    

EVIE

I was going back to our classroom after ng contest namin nang bigla nalang akong harangan ni Bran. Nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot kaya naitaas ko ang aking mga kilay.

"Evie, how's the contest?" tanong niya na may malawak na ngiti sa kanyang labi. Napahinga naman ako nang malalim at saka ko siya nginitian.

"Ok lang naman," sagot ko sa kanya. "By the way, what are you doing here?" I know we have a celebration in school pero hindi ko naman nabalitaan na walang klase.

Napangiti siya ulit at saka nagkamot pa sa kanyang ulo. "Ewan ko kung nasaan si ma'am, hindi siya pumasok sa klase natin kaya lumabas na muna ako."

"Ah ganoon ba?" Tinanguan naman ako ni Bran.

"I'll be going to the cafeteria, care to join me?"

"Ha? Cafeteria?"

"Ginutom kasi ako at gusto kong kumain ng ramen. Well, malapit na rin naman ang recess kaya nagdecide na akong pumunta doon. Samahan mo naman ako o."

"Uhm...o sige."

I was planning to join my friends for recess lalo na't kami naman lagi ang magkasama pero hindi ko rin naman mahindian si Bran. Isa pa, I want to treat him for what he did for me kahapon.

After kong mag-walk-out kahapon ay dumiretso na ako sa bahay without telling them. My friends left some text messages asking where I am and kung ok lang ba ako, hindi ko iyon na-replayan dahil nahihiya ako sa kanila. I guess I did something really reckless without thinking it through that is why I am really ashamed.

Hindi naman ako kinulit ng mga kaibigan ko kahapon kahit na wala silang reply naman nakuha sa akin. Kahit na si Jemy na kapitbahay ko lang ay hindi na ako kinausap pa. I heard she went to our house and asked yaya kung nasa bahay ako but left immediately after finding out that I'm fine, kasama daw din niya ang isang lalake and later on I found out that it's Bran. Narinig ko kay yaya na masaya ang dalawa na malaman na nasa bahay lang pala ako, mukhang napag-alala ko nga sila. Nag-iwan pa si Jemy ng ice cream para sa akin na kinain ko buong gabi until I felt really better, and Bran lent me a book na naenjoy ko ring basahin kagabi.

People may say that those things are nothing but for me-well, those things just made my day.

"What do you want to eat?" Bran asked na kinuha mula sa akin ang dala kong mga art materials. Nagulat pa ako sa ginawa niya pero nginitian niya lang ako. Hindi na ako nagpunta sa locker ko para iwan ito doon dahil ang plano ko nga ay iwan ito sa classroom. "Let me carry this for you," ani pa niya at nagsimula na siyang maglakad.

"Thank you Bran," tanging nasabi ko at sumunod na ako sa kanya.

"It's nothing. So, ano ba ang kakainin mo?" pag-uulit niya sa tanong niya. Napaisip naman ako agad. Well, I'm a bit hungry so I think I'll eat something heavy at hindi lang basta snacks.

"I guess I'll have the ramen too," sagot ko na nagpangiti sa kanya.

Dumiretso na kami sa cafeteria at nakasabayan ang iilang mga estudyante at kahit na ang mga guro. Hindi naman ganoon kapuno ang cafeteria kaya mabilis din kaming nakaorder ng pagkain. I told him that it is my treat na agad naman niyang tinanggap.

"Wow libre! Salamat, susulitin ko talaga ito," ani niya pa.

We sat at a vacant table na malapit sa may pinto at nagsimula ng kumain. Nang pumasok sa cafeteria ang mga kaibigan ko ay sinamahan din nila kami. It is really an enjoyable recess kahit na maiksi lang ang oras namin. Panay kasi ang pagjo-joke ni Jemy na puro naman corny.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon