"Ang sekreto kahit gaano mo man itago dadating pa rin ang panahon na lalabas ito."
© Anonymous-❇️-
EVIE
We don't have classes today. Mayroon kaming practice kung saan tinipon kami sa gymnasium. We are currently heading there. Napahinto ako sa paglalakad nang may maalala ako bigla.
"Evie!" Nilingon ko si Magie nang tinawag niya ako. Nasa may likuran ko lang siya.
"Teka lang Magie, may kukunin lang ako sa locker ko," sabi ko. Napabuntong hininga siya at sabay na napatango.
"Okay." Napatingin pa siya sa gymnasium at saka ulit napatingin sa akin. "Uhm... Ev, pwede bang mauna nalang ako sa gym? Magsisimula na kasi ang program." Nilingon ko din ang gymnasium at saka ako tumango sa kanya.
"O sige, susunod nalang ako!" Ngumiti si Magie at naglakad na papalayo sa akin. Napaharap naman agad ako sa locker ko na nasa gilid ko lang at binuksan ito. Kinuha ko ang hygiene kit sa loob at hinanap ang gamot ko, nakalimutan ko na naman kasing uminom ng gamot. My mom will definitely scold me kapag nalaman niyang hindi ako nakainom ng gamot.
Napahinto ako sa paghahanap sa hygiene kit ko nang may mapansin ako sa loob ng locker. Kinuha ko ang libro ko sa geometry at tiningnan ito nang mabuti.
"Ano ba ito?" natanong ko sa sarili ko nang may makita akong nakausling blue cardboard na nakaipit sa pagitan ng pahina ng libro. Kinuha ko ito at tiningnan nang mabuti. "Bookmark? Wow ang cute," mahina kong sabi nang mapag-alamang bookmark pala iyon. Inusisa ko ang bookmark at napangiti ako nang makita na ang cute ng disenyo nito. Halatang personally made ito at hindi iyong mga nabibili lang sa bookstore. Ang ganda! Tiyak na ginugulan talaga ito ng time ng gumawa.
"Students be in your seats!" Napukaw ang atensyon ko dahil sa tawag na iyon ng instructor. Dinig ko ang sinabi niya kahit na nandito ako sa may hallway. Nakamicrophone kasi siya kaya maririnig mo talaga ito kahit na malayo ka sa gymnasium.
Ibinalik ko na ang bookmark sa libro ko at ipinasok ito ulit sa locker ko. Isinara ko na ang locker ko at tinakbo na ang gymnasium. Tahimik akong naglakad papasok ng gymnasium at nang matanaw ko ang mga kaibigan ko ay agad ko silang nilapitan.
"Evie, saan ka ba galing?" bungad sa akin ng mga kaibigan ko nang dumating ako. Napangiti ako sa kanila at agad akong naupo sa tabi ni Rosella.
"May kinuha lang ako sa locker ko," sagot ko.
"Ano naman ang kinuha mo?" agad na tanong ni Rosella sa akin na nagtaas pa ng kanyang kilay. Naikunot ko tuloy ang noo ko. Bakit ganito ang inaasal niya? She's acting like some investigator.
"Bakit mo naman tinatanong?" nag-aalangang tanong ko sa kanya.
"Malay ko ba kung hindi ka naman talaga nagpunta sa locker mo," aniya na naging dahilan ng pagkunot ng aking noo. Ano daw?
"At saan naman ako pupunta?" nakasimangot kong tanong sa kanya. May time pa ba akong maglakwatsa sa gitna ng event namin ngayon? Kung minsan talaga ang over na nilang mag-isip.
"Malay ko. Baka may katagpo ka lang pala." Tulayan ko na siyang tinaasan ng kilay dahil sa sinabi niya.
"Ha?" I exclaimed. Ako may katagpo? Hindi nga ako mapakali sa tabi ni Javen, makikipagtagpo pa kaya. Jino-joke ba ako nito? "Joke ba iyon?" Napangiwi sila nang tinanong ko iyon.
"Mukha ba akong nagjo-joke?" mataray na sabi ni Rosella kaya sinimangutan ko siya.
"Ewan ko sayo," umiiling kong sabi. Nag-iwas nalang ako ng tingin sa kanya at nakinig nalang sa sinasabi ng instructor namin. I'm sure na nangtitrip lang itong si Rosella. Wala siguro itong magawa sa buhay kaya ako ang pinagdiskitahan.
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...