Chapter 07 | She's Sick

438 12 0
                                    

JAVEN

Diretso ang tingin ko kay Dra. Lurano na kasalukuyang tsine-check si Evie. Pinalayo ako ng nurse kanina but I can still see them.

I know Dra. Kharen Lurano personally dahil doktor siya ng pamilya namin. She's dad's classmate noong high school and his first cousin. Well technically, Dra. Lurano is my aunt. Nang papunta palang kami dito lulan ng taxi ay tinawagan ko na siya about Evie kaya nang dumating kami sa hospital ay siya agad ang sumalubong sa amin. Nang pumasok kami kanina sa emergency room ay agad din naman nilang inasikaso si Evie.

"Kumusta po Dra.?" I hurriedly asked her nang lapitan niya ako. Kakatapos niya lang i-examine si Evie.

"She's fine," aniya at giniya niya ako palapit kay Evie na wala pa ring malay. Nasa tabi naman ni Evie ang isang nurse na kinakabitan siya ng dextrose. Napabuntong hininga ako nang tingnan ko siya. Nag-aalala talaga ako para sa kanya lalo na't bigla na lamang itong hinimatay kanina sa school.

Noong hinimatay si Evie ay agad ko siyang isinugod sa infirmary ng school. Nurse Florine was still there pero dahil wala ang school physician ay napagdesisyonan ko nang isugod nalang sa hospital si Evie. Hanggang 6 PM lang kasi open ang mga facilities kaya tiyak na umuwi na nga ito.

"Wala ka nang dapat na ipag-alala, ligtas naman ang pasyente. Isang minor attack lang ang nangyari sa kanya kanina." Naikunot ko agad ang noo ko sa sinabi ni Dra. Minor attack? Anong ibig niyang sabihin?

"Attack po?" Hindi ko maintindihan. Anong attack ang tinutukoy niya? Ano bang meron kay Evie?

"Hindi mo ba alam?" nagtatakang tanong ni Dra. sa akin, pati ang nurse sa tabi ay nagpukol na rin ng tingin sa akin. Agad akong napailing bilang tugon sa tanong niya. She hesitated for a while bago niya ako sinagot. "I don't know if I'm allowed to tell you this pero mukhang dapat mo itong malaman lalo na't ikaw ang nagsugod sa kanya dito." Nagbaba ng tingin si Dra. kay Evie na kasalukuyang tulog. "The patient is suffering from a heart problem." Natigilan ako sa sinabi niya. "We are fortunate na ang kaninang attack ay minor lang at mabilis mo pa siyang nasugod dito." Heart problem?

"Sakit sa puso?" I clarified na tinanguan naman niya. Hindi ko alam na may sakit pala si Evie sa puso. Hindi niya ito ipinaalam sa klase. Maybe her friends know about this pero dapat sinabi niya ito sa lahat para aware kami lalo na at may possibly na atakihin siya sa klase. Kung hindi ako nakapag-isip nang maayos kanina ay baka may nangyari na sa kanyang masama.

Hindi ko kailanman naisip na may ganitong sakit pala si Evie. Hindi naman kasi siya ganoon kahina para isipin mong may sakit siya. She looks normal to me kaya nga nakakabiglang malaman na may sakit pala siya sa puso.

"So who's the girl? Is she your girlfriend?" Naikunot ko ang aking noo dahil sa sinabi niya.

"Tita!" I exclaimed. Nakalimutan ko na nga siyang tawaging doktora dahil sa pagkabigla. Nakiusyuso pa sa amin ang nurse at nang sinamaan ko ito ng tingin ay agad itong umalis.

"What!? I'm just asking." Napabuntong hininga nalang ako at saka ko tiningnan si Evie. She looks sound asleep na para bang wala nangyari sa kanya. Kung hindi ko lang alam na nawalan ito ng malay ay iisipin ko talagang normal lang itong natutulog.

"Classmate ko po siya," simpleng sagot ko sa kanya. Napatingin ako sa kanya at pansin ko ang pagbuntong hininga niya.

"So I guess that's the reason why. Hindi ba kayo close?" She paused para tingnan ako. Napailing naman ako bilang sagot kaya muli itong nagsalita. "Well, don't worry-she's fine." Tinapik niya pa ako sa balikat ko at muli akong nginitian. Tumalikod na siya sa akin at iniwan kami ni Evie.

Napatingin naman ulit ako kay Evie. Kaya naman pala medyo maingat siya sa mga galaw niya sa klase. Napapansin ko kasing hindi siya sumasali sa mga major sports namin sa PE. Wala din siyang organization at extra curricular activities na sinasalihan. Ang alam ko ay sa Journalism club lang siya sumali kung saan pareho kaming member. So that explains why her friends are protective of her, because she's sick.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon