CHAPTER 51 | FOOD TRIP ℹ️

227 9 0
                                    

EVIE

The event for the day was finished at naisipan naming maglibang muna. Pumwesto kami sa isa sa mga cottages na malapit sa kwarto namin at doon nagkwentuhan. We are enjoying each others company nang tawagin kami bigla ng isa sa facilitator.

"Ultim Atom!" tawag sa amin ni ma'am. Napalapit siya sa amin kaya natuon sa kanya ang atensyon naming lahat. "Kunin niyo na ang dinner supplies niyo sa supply room," she continued. Nagkatinginan pa kaming magkakagrupo dahil dito.

"Ma'am? Dinner supplies?" nagtatakang tanong ni Jemy. Napabuntong hininga naman si ma'am.

"Kayo ang magluluto ng dinner niyo ngayon," aniya kaya natigilan kami. "Dahil sa dami ng kasali sa SLP ay walang pumayag na catering na ipagluto tayo. The resort's management was also sorry that they can serve us dinner for tonight. Dahil sa dami ng nagcheck-in ngayon, hindi nila mahahabol ang pagluto ng pagkain para sa atin lahat."

"Po?" nausal namin.

"Don't worry, it's only for tonight. O sige na, kunin niyo na iyon bago pa kayo maubusan ng supply." Wala na rin naman kaming magagawa kaya tumango nalang kami.

"O sige po ma'am," ani Ezzia at nilingon niya ako. "Halika Ev! Samahan mo ako."

"Ok." Lumabas na siya ng cottage kaya sumunod na rin ako.

Sinamahan kami ni ma'am papunta sa supply room at gaya nga nang sinabi niya ay naubasan nga kami ng supply. Naubusan na kami ng pork at chicken at halos gulay nalang ang natira. Napabuntong hininga nalang si ma'am at saka niya kami tiningnan.

"That's all we have. Kumuha nalang kayo ng gusto niyo." Tumango nalang kami ni Ezzia dahil wala na naman kaming pagpipilian.

Kumuha ako ng basket at sinamahan ko si Ezzia na mamili ng ingredients. Kung ano ang natira ay iyon nalang ang kinuha namin. Nang matapos kami ay bumalik na kami sa cottage na pinagtambayan namin kanina.

"They're here!" Dinig kong sabi ni Shem nang dumating kami. Naglabasan naman ang mga kasama namin at tiningnan kami.

"Puntahan niyo sila Arv!" Achel said at agad din kaming sinalubong nina Arvy, Vin and Javen.

"Let me," sabi ni Arvy at kinuha niya mula kay Ezzia ang mga basket na dala niya. Lumapit naman sa akin sina Vin at Javen at sabay pa nilang hinawakan ang basket na dala ko. Nagkatinginan pa sila.

Binitawan nalang ni Javen ang hawak niya sa basket at iyong supot na dala ko nalang ang kinuha niya.

"Ako na ang magdadala nito," aniya. Tinanguan ko naman siya kaya naglakad na siya pabalik sa station namin. Si Vin naman ang hinarap ko at nginitian ko siya.

"Thank you Vin," sabi ko at nginitian niya naman ako. Nagpatuloy na kami pabalik sa station at inilagay sa table ang mga nakuha naming supply.

"Guys, sorry! Naubusan tayo ng pork and chicken, fish nalang ang nakuha namin ni Evie," Ezzia said habang nilalabas mula sa basket ang mga ingredients na dala namin. Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Tumatango lang sila pero si Carl at Shem ay nakabusangot na.

"Ok lang, marami naman tayong pwedeng gawin sa mga ingredients na dala niyo," sabi pa ni Vin at inusisa na ang mga gulay na pinili ko. Hindi ko nga alam kung tama ba ang mga pinili ko dahil wala naman akong alam sa pagpili ng ingredients. I don't know what's fresh and what's good to cook. Kapag nagluluto kasi ako sa bahay ay sa pantry na ako kumukuha ng ingredients at pinili na iyon ni yaya. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang magandang klase ng gulay.

"Pwede naman tayong magpakbet kung ok sa inyo. O kaya pwede ring ihawin natin ang isda and we can just fry the shrimps." Napatango naman kami sa suggestions ni Vin. Hindi ko alam na may interest pala siya sa pagluluto, hindi kasi halata sa kanya.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon