Chapter 29 | He's Here

332 14 0
                                    

EVIE

Ilang beses ko pang pinilit si mommy na payagan ako, pati na nga si daddy ay pinilit na rin siya. Nang nagpaalam kasi ako kay daddy ay agad din naman siyang pumayag. Ang sabi niya ay susuportahan niya daw ako sa kahit na anong gusto ko. Pero kahit na okay na kay daddy ay ayaw pa rin talaga ni mommy.

Dumaan pa ang ilang araw until the day before our graduation day came. Sa ilang beses nang pamimilit at pakikiusap namin kay mommy ay napapayag din namin siya. It came a long way pero masaya ako na umabot din kami doon. Wala akong ibang ginawa nang araw na iyon kung hindi ang magpasalamat sa kanya.

It's our graduation day today. Excited na ako pero medyo malungkot din. Paano ba naman, ga-graduate na kami at tiyak na hindi na kami laging magkikita ng mga classmates ko lalo na at sa ibang school na ako mag-aaral. Sa aming magkakaibigan ay ako lang ang lilipat ng school.

Jemy will be taking up BS in Psychology. Sina Ezzia at Rosella naman ay parehong kukuha ng Accountancy. Si Tredith naman ay Business Administration ang napiling course. Leilyn will be taking up Fashion Designing. Magie will be taking up BS in Education Majoring in English. And Airyl will be taking up Dentistry. Ang akala ko nga ay Culinary Arts ang kukunin ni Airyl but I'm not surprised too na Dentistry ang napili niyang field, she always want to be a dentist dati pa man.

Kahit na magkakaiba ang course nila ay nasa iisang school pa rin sila kaya hindi nila mamimiss ang isa't-isa. Ngayon pa lang ay nagsisimula ko nang mamiss ang lahat.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong auditorium. Puno na ito dahil sa mga students, parents at iba pang spectators. The atmosphere is really good lalo na't excited pa ang lahat.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula na rin ang program. Ipinakilala isa-isa ang bawat klase at kasunod nito ang pagtanggap ng bawat isa ng kanilang diploma. Pagkatapos naman nito ay ang pagtanggap ng awards ng mga outstanding students.

Nagbigay pa ng message ang na-invite na speaker bago nagbigay ng valedictory message si Kaith. Napuno ng ngiti ang mga labi ng bawat estudyante pati na ang sa kanilang mga magulang, pero mapapansin pa rin ang mga iilang luhaan. Naiiyak na rin ako lalo na at naiisip kong marami akong maiiwan dito sa Newman, pero kahit na nakakalungkot ay sinusubukan pa rin namin na maging masaya, after all-it's our graduation day. Tsaka, we made a promise to each other that even we departed ways, we will still have contacts with each other.

After the ceremony, we went to a hotel for our farewell party. Kami-kami lang ang nagpunta doon dahil ayaw kasi ng mga classmates ko ang supervision ng parents namin. Ang sabi nila ay ito ang time namin para magsaya. Mabuti nalang talaga at pumayag sina mommy at daddy na sumama ako.

Hindi lang naman kami ang kasali sa party. Sumali din ang iilan sa mga malalapit na kaibigan ng mga kaklase ko na taga ibang section. Even Tredith and Magie were invited.

"Okay! Before we proceed to our eating-eating-" Napatawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Kaith na 'eating-eating'. Kahit na maghihiwalay nalang kami ay nagawa pa rin niyang magpatawa. "-we will first have a little game. Diba I ask you to bring small things na pwede niyong iregalo? Yung maliliit lang talaga na pwede mong bitbitin lang. And also, pinadala ko rin kayo ng empty farewell card." Tumango kaming lahat bilang pagsang-ayon sa kanya.

"Now, susulatan niyo na ang card na iyon. Choose someone na nandito ngayon na pagbibigyan ninyo ng gift at card. But remember, sa magkaibang tao ninyo ibibigay ang card at ang gift ha? Kung baga ay dalawang tao ang pagbibigyan niyo, one for the gift and one for the card."

Tiningnan ng bawat isa ang mga nandito ngayon. Kahit na ako ay nagsimula na ring pumili. Sino kaya ang bibigyan ko?

Napabuntong hininga ako. Lahat ng mga kaibigan ko ay nandito at gusto kong bigyan ang lahat, kaso dalawa lang ang dapat kong piliin. Tiningnan ko ulit ang mga mukha ng kasama ko at napahinto ako sa isang taong nakaupo sa may tapat ko. We are meters apart pero magkatapat lang ang upuan namin.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon