"Hello is only a word, but friendship may bloom when you say it."
-❇️-
EVIE
Nang marating namin ang school ay inihinto agad ni daddy ang sasakyan. Tinanggal ko na ang pagkakakabit ng seatbelt ko at saka ako lumabas ng kotse.
"Bye baby!" sabi ni daddy nang makalabas na ako. Napalingon ako sa kanya at saka ako ngumiti. Lumapit ako sa sasakyan at dumungaw ako sa bintana para makita siya.
"Bye daddy!" nakangiti ko ring sabi sa kanya. Binuksan ko sandali ang puntod ng kotse para malapitan ko siya at mayakap ko. "I love you daddy," nakangiti kong saad habang yakap pa rin siya.
"I love you too. Mag-enjoy ka doon," aniya kaya tumango ako.
"Opo." Hinalikan ako ni daddy sa aking pisngi na sinagot ko rin naman ng isang halik. Hindi na rin ako nagtagal at lumabas na ako ulit ng sasakyan. Daddy drove the car and I went inside the campus.
Tahimik akong naglakad habang tinitingnan ang mga estudyanteng nakakasabay ko sa hallway. Everyone is excited especially those who are new to the school. New school year na and I'm already a grade 12 student. Malapit na talaga akong magtapos sa high school. Ngayong taon ay gagraduate na rin ako.
Since alam ko na naman kung saang section ako papasok ay dumiretso na ako doon. Nagpatigil pa ako sandali sa may pinto ng classroom namin bago ako tuluyang pumasok. Napahinga ako nang malalim dahil kinakabahan ako. My classmates now are really strangers to me, hindi ko alam kung makakasundo ko ba sila kaya may pag-aalangan ako. When I felt calmer ay napagdesisyonan ko nang pumasok. Pagkapasok ko sa classroom namin ay marami na akong naabutang mga kaklase ko. Ini-expect ko na iyon since mga honor students naman ang lahat nang andito. This is the first section after all at tiyak na mga early bird ang mga kaklase ko.
Hindi rin naman nagpahuli ang mga kaibigan ko sa paggiging early bird. Nandito na rin sina Rosella, Jemy, Ezzia at Poulo. Pinaninindigan talaga nila ang pagiging honor students nila. Napangiti ako at saka ako umupo sa tabi ni Rosella. Hinintay nalang naming dumating ang iba.
Nang tingnan ko ang mga kaklase ko ay namangha talaga ako. Nandito kasi ang Top 1 sa lahat ng eleventh grader dati, noong grade 11 pa kami. And of course there are the princesses of the school slash the Campus Cuties. Magaganda, matatalino, mayaman and mababait din naman. Kilala sila dahil sa pagiging active nila sa school, sumasali sa every pageant na ginanap sa Newman pati na sa iba't-ibang social events. Napansin ko rin si Cael Ghandry Villanueva. He is known as a campus heartthrob dahil sa taglay nitong kagwapuhan, he is the nephew of the current Mathematics Department head.
Since it's the first day of class ay hindi pa talaga kami nagklase. Nagkaroon lang ng orientation at getting to each other, and of course is the clearing of our schedules. Iyon lang ang ginawa namin buong araw. We didn't do much pero nakakapagod talaga, but I somewhat enjoyed the first day of class. Nakakatuwa din kasi ang mga bagong kaklase ko, akala ko talaga ay magiging awkward kami sa isa't-isa.
Nung lunch time naman ay sabay-sabay pa rin kaming kumain nina Tredith and Magie kahit na hindi na namin sila kaklase. Nagkahiwalay din sila ng sections kaya hindi sila magkaklase. Ang akala ko talaga ay magsasama pa rin sa iisang klase ang mga kaklase ko noong third kami pero pinaghiwalay pa rin pala sila ng section. Ang sinabi nilang new system ay new talaga, akala ko ay iyong first section lang ang new.
Nang matapos ang klase ay dumiretso na kami sa cafeteria. The cafeteria is already packed with students pero dahil nauna na doon si Tredith ay nakapagpareserve na ito ng table para sa amin. It is a long table enough for 10 people.
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Fiksi RemajaGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...