Chapter 30 | New World, Same People

342 14 0
                                    

EVIE

Dahan-dahan akong tumayo at saka ko tiningnan ang guro sa harap. Napangiti siya sa akin kaya napalunok ako ng laway. Hinarap ko na ang mga estudyanteng nakatingin sa akin at ilang beses pa akong napahinga nang malalim. Kinakabahan kasi ako.

"Good morning, I'm Evie Leiryl L. Tane," panimula ko sa aking introduction. "I'm seventeen years old and a graduate from Newman University," nakangiti kong pagpapatuloy at saka ako naupo. Napabuntong hininga ako after. Kinakabahan talaga akong magpakilala kaya mabuti nalang talaga at nairaos ko ito.

Nagpalakpakan naman ang lahat at tumayo naman ang babaeng nasa tabi ko.

College na nga ako at dito na ako nag-aral sa El Miranda University. Pumayag na rin si mommy na dito ako pumasok pero may mga conditions siyang ibinigay sa akin. I find it a hassle pero wala na akong magagawa. Kung gusto kong mag-aral dito ay kailangan kong sundin ang gusto ni mommy.

Nagbigay siya ng tatlong conditions pero nakipagnegotiate ako kaya pumayag siyang tanggalin ang ika-tatlong condition niya.

(1) Walang lakwatsa,
(2) Uuwi agad after class,
(3) Hatid-sundo ni Manong Trex,
(4) Bawal ang magpagod,
(5) at Bawal magboyfriend.

Gusto ko kasing maging bago ang lahat ngayong papasok ako sa college. Hindi naman necessary na bagong mga gamit, gusto ko lang baguhin ang mga nakagawian ko na. Bagong school at bagong routine kung baga. Sinabi ko kay mommy na mag-cocommute nalang ako because I want to experience something new. Nung una ay ayaw niya talaga pero katagalan ay napapayag ko rin siya. I don't have problems with the other conditions dahil alam kong mapapabuti naman ako nito.

Nung unang dalawang linggo ko sa college ay hindi talaga ako sumasabay sa mga kaklase ko, nahihiya kasi ako sa kanila. Kay Aisy na classmate ko noong senior high ako sumasabay minsan lalo na kapag lunch break. Dito din kasi siya sa El Miranda nag-aaral. Pero noong tumagal na ay nakagaanan ko rin ng loob ang mga bago kong kaklase. Hindi naman sila naiiba sa mga dati kong kaklase. Ang classmate kong si Erson ay parang si Bran lang na mahilig rin sa mga classic musics. Si Jeila ay parang si Leilyn na sobrang kikay, she's the one who takes good care of me dito sa EMU tulad nang ginagawa ni Leilyn sa akin sa Newman. Si Vie naman ay parang si Ayril, the matured one and the good cook. Si Achel naman ay parang si Jemy na go sa lahat ng recitations. Si Arjean ay para namang si Rosella na cute, at si Nicell ay parang si Ezzia, the good girl in our group. Para lang ako nasa Newman pa rin, para wala ngang nag-iba eh.

Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko inaasahang mabilis akong magco-cope up sa new school ko. When July came ay nagsimula nang magcelebrate ang bawat college ng kani-kanilang festival. Every school ay mayroong ganito, mayroon din naman kaming ganito sa Newman kaya hindi na ako naninibago. Nauna na ang College of Engineering na magcelebrate noong nakaraang linggo at ngayong linggo naman ay ang college namin.

Busy ang bawat isa sa college namin sa pagpre-prepare sa kani-kanilang event. I was with my other classmates, wala akong event ngayong umaga kaya baka manood lang ako ng event.

"Evie, halika!" Napalingon ako kay Jeila nang tawagin niya ako.

"Bakit?" tanong ko. Ngumiti siya at sinenyasan akong lumapit, hindi naman ako nagdalawang isip na lapitan siya.

"Suotin mo ito," aniya at inabot niya sa akin ang isang paper bag. Naikunot ko naman ang noo ko. Tiningnan ko ang laman ng paper bag and saw a yellow dress inside. Bakit naman niya ako pasusuotin ng dress?

"Bakit naman Jeil? Ok na ako dito sa suot ko." Mas gusto ko ang suot ko ngayon dahil comfortable akong suot ito. Anong problema dito?

"Kailangan mo iyang suotin. Sasali ka diba sa poster making contest mamaya?" Naitaas ko ang kilay ko sa sinabi niya. Anong connect ng dress sa poster making contest? Hindi naman ako sasali sa beauty pageant ah.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon