"Everyone makes mistakes. You don't have to feel so down because you made one, the important thing is that you say your sorry and make up for what you did."
-❇️-
EVIE
Hindi ko na maalala ang mga sumunod na nangyari after kong marinig ang mga sinabi ni kuya. Nagising na lang ako na mabigat ang pakiramdam at nasa kwarto na ako.
Napabangon ako at saka naupo. Tiningnan ko ang orasan sa gilid at saka ko inabot ang isang baso ng tubig na nakapatong sa side table. Ininom ko ito at nang maubos ay ibinaba ko rin.
Napalingon ako sa may pinto nang bigla itong magbukas at pumasok si yaya Cia.
"O hija, gising ka na pala," ani ni yaya at ibinaba niya ang tray na dala niya sa coffee table na nasa harapan ng kama ko. "Kumain ka na hija," dagdag niya. Tumayo na ako sa kama at nilapitan ko si yaya. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo ako sa couch.
Nagsimula na rin akong kumain habang inaayos naman ni yaya ang mga gamit ko na nasa sahig. Naikunot ko tuloy ang aking noo nang makita ko iyon doon. Paano ba napunta ang mga gamit ko diyan?
Nag-angat ako ng ulo at tiningnan ko si yaya. "Ya, sino po ba ang nagdala sa akin dito?" Ang naalala ko kasi ay nasa store kami kanina dahil kailangan kaming kausapin ni kuya. Ano kaya ang nangyari?
"Ang kuya mo ang nag-uwi sayo. Hinimatay ka na naman daw kasi kaya agad kaming niyang inuwi para ma-check ng mommy niyo. Mabuti nalang talaga at magkasama kayong dalawa kanina." Naikunot ko ulit ang aking noo. Si kuya ang nagdala sa akin sa bahay? Eh si Vin? Nakauwi na kaya siya sa kanila?
"Err, nasaan po si kuya?" Nag-angat ng tingin sa akin si yaya at nginitian ako.
"Nasa kwarto niya. Parang wala ito sa mood at nagkulong lang doon pag-uwi niyo. Ano ba ang nangyari kanina? Nag-away ba kayo kaya ka inatake?" Nakakunot ang noo niya at seryoso lang ang tingin sa akin. Natahimik ako dahil sa tanong niya.
Away bang matatawag ang nangyari kanina? Siguro nga. Naguiguilty tuloy ako dahil sa mga nangyari kanina, alam ko kasing kasalanan ko iyon. Tiyak na galit si kuya sa akin ngayon.
"Huwag mo na munang isipin ang tungkol doon. Kumain ka muna para makainom ka na ng gamot mo. Gusto ka ring makita ng mommy mo pag-uwi niya mamaya, kailangan niya daw i-check ulit ang kondisyon mo."
Napabuntong hininga ako at saka ako napatango. "Opo ya." Hindi ko muna guguluhin ang isip ko sa ngayon, bukas ko na haharapin ang sermon ni kuya.
Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Hindi na ako lumabas ng kwarto after kong kumain at bumaba lang ako nang dumating si mommy galing sa hospital. Natatakot akong mapagalitan ni mommy at daddy lalo na't baka sinabi na sa kanila ni kuya ang nangyari sa mall kanina kaya hindi talaga ako nagsalita. Hindi naman iyon na-mention ni mommy kaya bahagyang gumaan ang aking loob.
Pero kinabukasan ay maaga akong gumising. Ako ang naghanda ng agahan para kina mommy, daddy at kuya. Ginawa ko ito para makausap ko sila tungkol sa mga nangyari, wala kasing mangyayari kung patuloy ko lang iiwasan ang mga nagawa ko, baka mas lumaki pa kasi ito kung iiwasan ko lang.
Bumaba na sina mommy at daddy kaya agad ko silang sinalubong.
"Good morning mom, dad." Sinalubong ko sila ng yakap at halik na agad din naman nilang tinugon. Nagsisimula na akong mas kabahan lalo matapos ko iyong gawin. Inihanda ko talaga ang sarili ko sa gagawin pero hindi pa rin nito naialis ang kaba sa dibdib ko. Masasabi ko kaya ngayon sa kanila ang kasalanan ko?
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
TienerfictieGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...