Chapter 45 | DJ Love (Special Chapter) 🔘

228 12 0
                                    

To LOVE is nothing, to be LOVE is something, to LOVE and be LOVE is everything.

—❇️—

ROSELLA

“Ano ba ang gagawin ko? Kailangan ko bang sabihin sa kanilang dalawa na MU naman pala sila? Eh kasi naman iyong si lalake, ang torpe. Eh si girl naman hindi ganoon ka atat para umamin ng feelings niya sa guy.

Kung malaman kaya nila na MU naman pala sila ay magiging masaya kaya silang dalawa? Oo kaya?

Ano ba ang dapat kung gawin? Hahayaan ko na ba sila na magkaaminan, o hahayaan ko sila ngayon sa kani-kanilang mga relasyon? Tulungan niyo naman akong makapag-desisyon.” Namilog ang mga mata ko. Kasabay nito ang pagkabog nang mabilis ng puso ko. Kinakabahan ako.

Pinakalma ko agad ang sarili ko at saka ako napahinga nang malalim. Nakakalito!

I breathe deeply. Itinuon ko ang atensyon ko sa aking binabasa. Paano ba dapat?

“Nagmamahal Venyl,” sabi ko to end the letter. Agad akong nakarinig nang malakas na palakpakan kaya nilingon ko ang may gawa noon.

“Wow Rose! Ang galing mo,” nakangiting sabi ni Terisa na pumapalakpak pa rin.

“Papasa ka na talaga sa examination natin mamaya,” dagdag naman ni Shaira na katulad ni Terisa ay pumapalakpak pa rin. Napatawa tuloy ako. Mayroon kasing gaganaping examination mamaya para sa gustong maging myembro ng broadcasting club. Gusto kong sumali sa club na iyon kaya nagpa-practice ako kasama ang dalawa ko pang kaklase na interested ding sumali.

“Ako pa,” pagmamayabang ko. Nakakatuwang malaman na nagustuhan nila ang performance ko. Sana ay maging okay talaga ang test ko mamaya. I really want to pass this one.

“Para ka nang totoong DJ, at parang totoo din iyong istorya mo. Saan mo ba iyon napulot?” Lumapit pa talaga sila sa akin para mas marinig ang isasagot ko. Naikunot ko ang noo ko.

“Ha? Napulot? Naku! Marami na akong narinig niyan sa radyo,” sagot ko nalang. I really don’t want to tell where I got my story.

“Pero Rose, ang galing mo talaga. Turuan mo naman kami ng style mo,” sabi pa ni Shaira at umakbay pa talaga siya sa akin. Nagtaas naman ako ng kilay. Grabe talaga ang dalawang ito.

“Simple lang naman.” I smiled playfully kaya diretso nila akong tiningnan.

“Ano?” sabay nilang tanong. Mas lumapit sila sa akin na para bang nagbubulungan kami.

“Kung ano ang inyong nakikita at naririnig, gamitin niyo lang iyon bilang inspirasyon,” sabi ko na naging dahilan ng pagkunot ng kanilang mga noo.

“Ha?” nakangiwing tanong nilang dalawa sa akin. Nagkatinginan pa sila na para bang nagpapakiramdaman. Napailing ako.

“Basta! Akin nalang iyon. May iba’t-iba naman tayong style eh,” dagdag ko at sabay akong tumawa. Pareho naman silang napasimangot.

“Ang damot nito,” reklamo ni Shaira at napairap pa. Napangiti nalang ako.

“Hindi iyon pagdadamot. Ang tawag doon ay pagtatago ng sekreto.”

“Sekreto? Ano naman iyon?” tanong nila ulit. I smiled playfully.

“Sekreto nga diba? Bawal sabihin.” I gave them a wink kaya tuluyan na silang napakamot sa mga mga ulo nila. Mas napangiti lang ako lalo at nagpaalam na ako sa kanila.

Naglakad ako palabas ng students’ lounge para tunguhin ang cafeteria. Inilabas ko ang phone ko at tiningnan ko ang isang picture kung saan kasama ko ang dalawang taong in love sa isa’t-isa. Hindi lang nila ito alam ngayon dahil pareho silang torpe, natatakot magkaaminan eh.

Napangiti ako at ibinulsa ko na ulit ang phone ko. This is really exciting!

~☆~

This is a special chapter but so short. Kailangan ko lang kasi talaga itong i-include. This chapter is very crucial to the story, alamin niyo nalang kung ano. Hihi!

—ate sak

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon