Chapter 77 | Makita KANG MULI

260 8 0
                                    

This chapter will consist of Javen's flashbacks. Nangyari na ito sa mga nakaraang chapters but it will be on Javen's point of view.

-ate von

-❇️-

JAVEN

I was watching a movie on a Saturday morning nang makatanggap ako ng message galing kay Rosella. Nag-aya siyang lumabas kaya pumayag na rin ako. Wala din naman akong ginagawa at boring ang mag-stay lang sa bahay. Binilisan ko din naman ang pagbibihis para masundo ko na siya sa kanila.

Nang masundo ko siya sa kanila ay dumiretso na kami sa mall. There are lots of places to go but we decided to go to the mall lalo na't mainit ngayon sa labas. Halos mag-aalauna na rin nang dumating kami sa mall na dalawa.

Everytime na lumalabas kami ni Rosella ay una talaga naming pinupuntahan ang arcade kaya doon ang distinasyon namin. Habang maaga kasi ay gusto naming igugol ang energy namin sa paglalaro. Pagkatapos ng arcade ay didiretso kami sa paborito ng restaurant para kumain at kung may time pa ay lilibot pa kami.

Nasa first floor pa kami ng mall at papunta na sana ng elevator nang may mapansin si Rosella. Agad niyang itinuon ang atensyon niya dito na naging dahilan din ng pagtingin ko rito.

"Wait? Is that Evie!" naitanong niya. Agad kong namang tiningnan ang tinuro niyang babae at halos lumundag ang puso ko nang makitang si Evie nga iyon.

Agad na napatalikod sa amin si Evie, napatingin pa sa kanya ang katabi niya na napansin kong may sinabi sa kanya, malayo kami sa kanila kaya hindi namin iyon marinig.

"Tara kuya Jave, lapitan natin siya," sabi ni Rosella na tinanguan ko agad. Napangiti si Rose sa akin at nilapitan na namin si Evie.

"Evie!" tawag ni Rosella sa kanya. Humarap naman si Evie sa amin at nginitian kami, but it's obvious that she forced that smile. Napangiti tuloy ako dahil sa ka-cute-an ni Evie.

"Oy Rose!" aniya na agad na nagkamot sa batok niya. Lumapit siya kay Rosella at niyakap ito. Nagdampi sila ng halik sa isa't-isa bago tuluyang naghiwalay. Napatingin naman sa akin si Evie at nginitian. "Hi!" aniya.

Napangiti ako at saka ko siya kinawayan. "Hello Ev!" bati ko rin.

"Ang ganda mo ngayon ah," agad na komento ni Rosella nang tingnan niya si Evie, agad ko rin naman itong sinang-ayunan.

"Oo nga, ibang- iba ang ayos mo ngayon. Bagay sayo!" nakangiting sabi ko sa kanya. Ang gandang-ganda niya ngayon. I didn't imagine Evie wearing clothes like that, sanay kasi akong makita siyang magsuot ng ordinary outfits na bumagay din naman sa kanya. But well, wearing girly clothes really suits her. Bagay sa kanya ang kahit anong suotin niya.

"Nagbago na talaga si Evie, hindi na siya iyong nerdy Evie na kilala natin. Inspired kasi yan eh," sabi pa ni Rosella kaya napalingon ako sa kanya. Inspired? Kanino? Kay Fonce ba?

"Uhm...si mama kasi, inayusan niya ako!" nahihiya pang sagot ni Evie kaya napangiti ako. Akala ko, kaya siya nag-ayos ay dahil gusto niyang magpapansin sa sino mang lalake. Mabuti naman at hindi pala ito ang dahilan. Napangiti ako at saka ako napatitig sa kanya.

"Maganda naman eh," wala sa sarili kong sabi. Natauhan lang ako nang siniko ako ni Rosella. She even whispered to me telling me na nahahalata ako.

"Uhm...nagdedate kayo?" Natigilan ako sa tanong ni Evie. Napansin ko pa ang pagtaas ng kilay ni Rosella na tiningnan agad ako. Napangiwi siya sa akin at saka niya ulit hinarap si Evie.

Love Comes To those Who Wait (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon