EVIE
“SURPRISE!” sigaw ng maraming taong hindi ko alam kung ilan. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat at saka ako napalingon sa likuran ko kung saan nagmula ang sigaw.
Tiningnan ko ang mga taong may gawa noon at agad na namilog ang mga mata ko sa nakita. Andito silang lahat? My friends from elementary, my classmates in highschool, my best friends, and pati na sina Achel ay nandito rin. And iyong mga relatives namin na nakicelebrate kanina sa bahay nina lolo ay nandito na rin ngayon. Bakit sila nandito?
Napalingon ako sa may pinto nang mapansin kong may pumasok. Nakangiting nakatingin sa akin sina mommy at daddy at pati na si kuya. Plinano ba nila itong lahat?
“Happy birthday Anak.” Lumapit sa akin si mommy at daddy at niyakap ako.
“Mom! Dad!” Hindi ko mapigilang maluha. I didn’t expect a celebration like this. Ang gandang regalo nito para sa akin.
Lumapit si kuya at tinapik kami. “Ako rin,” nakangiting niyang sabi at nakisali na rin sa yakapan namin. Nginitian ko rin siya.
“Ikaw din kuya—thank you.” Sandali pa kaming nagyakapan bago ko hinarap ang mga bisita ko.
•••
ACHEL
Napatingin ako sa date sa calendar ng cellphone ko. Bukas na talaga ang birthday ni Evie kaya naiiexcite na ako. Ilang araw din namin siyang hindi nakita kaya excited talaga akong makita siya bukas. I’m excited to see her reaction kapag nakita niya kami bukas sa bahay nila.
“Ok! Class dismissed.” Matapos sabihin iyon ay lumabas na si Sir ng classroom. May next class pa kami pero mamaya pa iyon kaya we decided na manatili na muna dito.
“Ach, may susuotin ka na ba bukas?” tanong ni Arjean. Lumapit siya sa akin at tinabihan ako.
“Oo, kaso hindi naman iyon kagandahan. Iyon lang kasi ang nahiram ko,” sagot ko naman. Nagpatulong pa ako kay tita sa paghiram ng gown na iyon. Kinausap niya ang kumare niya para makahiram ako sa kanya ng gown nang libre.
Napabuntong hininga si Arjean at sabay na napayuko. “Namomroblema nga ako eh! Wala akong masusuot,” aniya. “Kung pwede nga lang magrenta ng gown ay matagal ko nang ginawa. Kaso nga lang ay wala akong pera,” dagdag niya.
Bahagya akong napatango. Evie’s party is a formal event kaya kailangan talaga na mag-ayos kami.
“Pwede bang hindi nalang ako pumunta? Makikiabot nalang ako ng regalo,” biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. I know problemado siya sa susuotin but I never thought na iniisip niyang hindi pumunta.
“Ininvite nila tayo. Magtatampo si Evie kapag may isa man sa atin ang hindi makapunta,” seryosong sabi ni Vin. Napatingin naman ang lahat sa kanya. Sa event na ito, siya ang pinakaseryoso.
“Wala kaming masusuot Vin,” ulit ni Arjean.
“Why don’t we ask Evie’s friend for help? Nag-iwan siya ng calling card kapag kailangan natin ng tulong,” J-Arl suggested. Natahimik kami at agad na napalingon sa kanya.
“Is it ok? Hindi ba nakakahiya?” I asked. Alam kong mababait ang mga kaibigan ni Evie dahil nakilala ko na ang ilan sa kanila, pero hindi pa rin nito maalis ang katotohanan na makakaabala kami sa kanila.
“But I guess Arl is right! Kailangan natin ng tulong nila,” said Arjean.
“Ok! Kayo ang bahala, pero kayo ang kakausap sa kanya.” I know Arjean very much. Mahiyain ’yan at alam ko na ako ang pakikiusapan niya na humingi ng tulong sa kaibigan ni Evie.
BINABASA MO ANG
Love Comes To those Who Wait (COMPLETED)
Novela JuvenilGenre: Teen Fiction Status: Completed | Under Revision Evie is a conservative girl. Mahiyain at tahimik. She's the precious princess of everyone, not just with her family pero pati na sa mga kaibigan. When she started her third year in junior high a...